Chapter 48 Chantal’s Pov KUMAIN lang si Honey sa dala kong pagkain. Ang takaw talaga niya dahil sunod-sunod ang subo niya. Sarap na sarap siya sa pagkain na dala ko. Hindi na nga makapagsalita dahil punong puno ang bibig niya. “Masarap ang dala mong pagkain, langga.” Saad niya sa ‘kin. “Buti hindi mo ako nakalimutan dalhan. Mahal mo na yata ako eh,” pang aasar niya sa ‘kin kaya napangiwi ako. Ayan na naman siya. “Pinagsasabi mo? Suhol ko yan dahil nilabhan mo ang damit ko. Dami mong alam eh no!” Saad ko pa sa kanya sabay inirapan siya. “Sus.. ayaw pang umamin. Kung umamin ka na sana ngayon, langg, hindi na sana masakit ang puson ko. Sana may hinihintay na tayo every month na monthsary.” Hirit pa niya kaya binatukan ko siya sa ulo niya. Pasaway eh! Balak ko pa naman next month siya s

