Ashlee POV Tatlong araw na lang isasalang na si Hash para sa bone marrow transplant niya. Kung pwede lang sana na madaliin ang araw ginawa ko na. Minsan na itong inatake, akala namin mawawala na siya. Pero mabait pa rin talaga ang Dios. "Wife are you still mad?" nandito kami ngayon sa balcony ng hospital. Magkasama kaming binabantayan ang anak namin ngunit hindi ko parin ito kinakausap kung hindi naman importante. "Wife I'm sorry. Hindi ko naman alam na magkakaayos tayo kaya ako pumirma sa divorce agreement na binigay mo. Ayaw ko naman sana talaga pero iyon ang gusto mo. Nabuhayan lang ako ng loob na suyuin ka ulit nong nakipagkita sa akin si mommy at daddy. And nong sinabi ni Rogelio na magpinsan kayo..." paliwanag niya. Pinapakinggan ko lang siya sa mga sinasabi niya. "Wife talk to m

