Mabilis siyang nakarating sa usapan nilang lugar ng mga kaibigan. Naroon na ang mga ito at naghihintay sa kanya.
“Ang tagal mo naman Austin, baka mahuli tayo sa racing. Maaga raw magsisimula kasi may guest sila ngayon. Mukhang bigatin iyon kaya bilisan natin, baka sikat na car racer pala iyon, makapag-papirma man lang. Kahit wala ng selpie, de-pindot lang cellphone natin,” natatawa na wika ni Audi. Sa kanilang anim ito ang medyo kenkoy magsalita at masayahin. Kahit matagal na silang magkakasama hindi pa rin nila lubos kilala ang background ng bawat isa. Malihim ang iba lalo na si Audi.
Minsan gusto niyang tanungin kung bakit naging palaboy ang mga ito pero pinili niyang itikom na lang ang bibig. Ayaw niyang pagsimulan iyon ng hindi nila pagkakaunawaan. Medyo sensitive kasi sa topic na iyon sina Audi, Benz, Porsche at Bryan. Samantalang si Bugatti ay cool lang pagdating sa usapin na iyon. When it comes to personal issues, everyone is silent, and he respect them as they respect him as eldest brother of the group.
“Pasensiya na, dude, nakipag-kuwentuhan pa kasi si Stanley, eh. Nagtataka kasi siya bakit ako humingi ng ballpen at papel sa kanya.” Nai-iling na sagot ni Austin sa kaibigan.
“Tara na, baka mahuli tayo. Libre pa naman ang panood ngayon, tiyak maraming tao roon!” excited na wika ni Bryan. BMW madalas tawag sa kanya dahil ang haba raw ng kanyang pangalan. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil tunog mamahaling sasakyan na pinangarap makabili.
Nagkanya-kanya na ngang tayo mula sa bench ang mga kasama at pumara agad ng dyip si Porsche. Habang lulan ng naturang sasakyan walang tigil ang kuwentuhan nila at pagbibida na mas magaling ang mga idolo nila sa car racing. Pero lahat ay mas iniidolo si Speed Racer. Ito raw ang tinaguriang Schumacher ng bansa. Iyong sikat na car racer sa ibang bansa na laging nasa F-1 racing challenge. Lagi itong number one sa laro at may naging pinoy version nga iyon, si Speed Racer kung tawagin. Medyo nagkakaedad na at balita nila naghahanap ito ng mga bagong trainees, nagbabaka-sakali na madiskubre sila nito. May alam na rin naman ang grupo ni Austin sa pagmamaneho, maging siya ay marunong na rin. Hindi pa nga lang masyadong gamay kung paano ang tamang pagmamaneho lalo kung sports car.
Dahil halos hatinggabi na, mabilis silang nakarating sa venue. Maraming tao ang naroroon. Karamihan ay nagchi-cheer na ng mga idolong car racer. Masyadong maingay ang kapaligiran, maliban kasi sa sigawan ng mga tao maririnig mo rin ang ugong ng iba’t ibang sasakyan na handa ng humarurot oras na pinutok ang baril para mag-go.
Halos mag-unahan ang Tun-Og Boys sa pagtakbo makalapit lang sa gaganapin na karera.
“Grabe, ang gara ng mga sasakyan! Astig!” manghang wika ni Bugatti. Kumikislap pa ang mga mata nito habang pinagmamasdan isa-isa ang mga sasakyan.
“Oo, nga! Grabe, dude, sana makasubok din tayo kung paano magmaneho ng sasakyan na iyan!” sagot naman ni Porsche.
Tahimik na nagmamasid si Austin sa buong lugar. Pinapangarap na makita ang iniidolo sa car racer. Kapag nagkataon, hindi niya na palalampasin ang pagkakataon, mag-a-apply siya rito as trainee.
Habang naghihintay ng hudyat na ‘go’, may isang tao ang pinag-uumpukan ng mga fans. Dahil curios si Austin, lumapit siya rito at iniwan sandali ang mga kaibigan.
“Ang guwapo n`yo pa rin, Sir, kahit may edad na kayo! Puwede po ako maging number two kung gusto ninyo. Promise hindi ako magiging demanding!” medyo malakas ang boses na saad ng babae. Seksi iyon kaya lang mukhang hindi na fresh. Iyon agad ang nakikita ng mga mata niya. Hindi siya mahilig sa babae pero mahilig siyang kumilatis kung inosente pa ba ito o hindi na.
Natawa na lamang ang taong sinabihan ng babaeng iyon. Narinig niya ang mga sinasabi ng mga ito habang papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang pinag-uumpukan ng mga kababaihan at ilang kalalakihan.
Ang idolo niyang si Speed Racer!
Mabilis siyang lumapit at pumunta sa harapan, wala siyang pakialam kung may nababangga siya o ano man. Importante makausap at makamayan niya ito. At kung maaari ay mag-apply as trainee na rin. Chance niya na ito. Sobrang saya ng puso niya dahil nakita ang pinapangarap na tao.
“Good evening, Sir! My name is Austin Martin Beko. I’m one of your fan, Sir,” pakilala niya sa sarili sa idolo.
Marunong siyang magsalita ng English dahil matalino siya noong nag-aaral pa lamang siya. At mahilig din siya noon magbasa ng mga libro na English ang sulat.
Nakuha niya ang atensyon nito. Agad itong bumaling sa kanya habang nakangiti.
“Good evening, man. Do you know how to drive?” tanong nito kay Austin.
Para naman nagpalakpakan ang mga anghel sa tainga niya ng marinig iyon. This is it!
“Yes, Sir! Can I apply as your trainee? Gusto ko po kasi ang maging isang tanyag na car racer katulad ninyo. Sobrang iniidolo ko po kayo kasama ng mga kaibigan ko!” masayang sagot ng binata sa kausap.
“Sure! My pleasure to train you. I came here for that. I’m searching for some aspiring car drivers who are willing to be trained. Don’t worry, and it's free. I just want to share my skills and knowledge with the person who wants to be like me.”
“Yes! Salamat po ng marami, Sir, pero ilan po ba ang kailangan ninyo?”
“Actually naghahanap ako ng anim, dahil puwede kong ilaban na magkasabay sa iba’t ibang bansa. Do you have someone willing to train also?”
“Yes, Sir. Sakto po anim kami, Sir. Puwede po ba kami sumubok, kasama ko po ang mga kaibigan ko. Ikaw nga po ang hinahanap naming lahat para makahingi ng pirma! Puwede rin po bang magpapirma, Sir?” excited na turan niya habang iginigiya siya nito palayo sa mga fans. Hindi niya rin napapansin na papalapit ang mga kaibigan niya dahil sa tuwa na kasama ngayon ang taong inspirasyon niya para matutong magmaneho.
“Sorry, man, hindi naman ako teacher para humingi ka ng pirma ko,” pabirong sagot ni Speed Racer.
Matandang binata ito. Nadala humanap ng karelasyon mula nang lokohin ito ng dating kasintahan. Pinerahan lamang at winaldas lahat sa luho, pero noong nag-propose ito sa kasintahan, ni-reject ng babae, dahil hindi na siya sikat at nagretiro agad sa pagiging car racer. Nagkaroon kasi ito ng injury sa paa att hirap na itong tapakan ang silinyador ng kotse sa tuwing may kompetisyon kaya maagang nagretiro pero hindi iyon tanggap ng maluhong girlfriend nito. Hiniwalayan siya at pinahiya sa madla. Simula noon sinumpa niya na hindi na siya iibig pa kahit kailan.
Nakatuon na lamang ang isip nito sa pagtulong sa mga kabataan na gusto maging car racer. At mukhang nakahanap na ito ngayon.
Ipinakilala ni Austin sa kanya ang mga kaibigan nito. Malalawak ang mga ngiti ng mga binatilyong nakilala.
“Mukhang para nga kayo sa car racer, tunog pa lang ng pangalan ninyo branded car na. We’ll see kung hanggang saan ang kaya ninyo sa training. I am looking forward na maging successful kayo, someday. I don’t want you to ruin your life with woman around. Focus!”
“Yes, Sir!” sabay na sumagot sila Austin.
Simula ng gabing iyon, nag-umpisa nang matupad ang pangarap ng anim na binata. Masaya si Austin dahil ang dating pangarap lamang ay isa nang katotohanan.
Nag-focus siya sa pag-eensayo, lahat nangg itinuturo na tips ni Speed Racer sa kanya, tinatandaan niya. Wala siyang pinalampas na sandali. Kunupkop rin sila ng matandang binata. Sa laki ng mansion nito, halos umalog pa rin silang pito. Parang nagkaroon ng ama ang grupong Tun-Og Boys sa katauhan ni Speed Racer.
“Salamat po sa tulong po ninyo, Sir. Hindi po namin makakalimutan ito,” madamdaming saad ni Austin.
“From now on, don’t call me Sir. Just call me Tito or Papz. That would be better. We are one family now. Thank you rin sa inyo, dahil nagkaroon ng mas magandang kabuluhan ang pag-stay ko sa mundo,” naiiyak na sagot ni Speed Racer. Habang kaharap ang anim na inampon sa bahay niya.