Alexander Cabrera’s PoV Hinihingal na sumandal ako sa poste dahil sa pagod. Inis na nagmura ang mga kasama ko dahil hindi namin nahabol ‘yung puting van na kumuha roon sa babae. “Ano nang gagawin natin?” tanong ni Jake na nakasandal sa dingding habang nakahawak sa bandang dibdib. “Sigurado ba kayo na kinidnapped ‘yon?” Si Ken na nakaupo sa daan. “Nakita ninyong sapilitan na kinuha ‘yung babae, ibig sabihin ay hindi niya gusto ‘yon at kidnapping ang tawag doon,” ani War na nakahawak sa bewang habang naghahabol ng hininga. Hindi ako nagsalita. Sa pangalawang pagkakataon mula nang magsimula ang adventure na ‘to ay ginagamit ko na naman ang sasabog na sa katalinuhan kong utak. Kinidnapped ‘yung babae, kami lang ang nakakita at isa lang ang ibig sabihin no’n. “Ito na iyon, mga par. .” sab

