Kenji Tamayo’s PoV “Nakakain din ng matino,” sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko, ang dami namin nakain lahat pero mukhang matutunaw ang lahat ng iyon dahil halatang maglalakad kami ng malayo. Hinahanap namin ngayon ‘yung lugar kung saan nagtatrabaho si Marinel. Yung Happy Ending Happy Message na nakalagay doon sa I.D na nasa maliit na bag. Kaso nga lang, hindi naman namin kabisado ang lugar na ‘to. “War, saan nanggaling ‘yung pera na ginastos natin para sa pagkain?” tanong ni Jake. Nagkibit balikat si Warren. “Saan pa? Edi doon sa bag ni Marinel. .” “Anak ng tinapa!” untad ni Lex at umiling ng maraming beses. “Bakit mo pinakialaman ang pera na hindi naman sayo, par?” “Ayaw mo?” tanong ni War. “Ayoko—” “Sige. Kakain kami mamaya, wag kang sasama.” Napangiwi si Lex. “Ayoko, par. A

