** 30 – The End** Binded by blood, separated by death. To whom this life shall surrender where thy blood is offered to spare. Napabuntong hininga lang ako. Hindi masamang tao si Naya. Wala namang silbi ‘tong konsehong ‘to eh. Panggulo lang naman. May husti-hustisya pang nalalaman. “Ma, di ba reyna naman kayo? Patigilin n’yo na lang ‘to.” “Mahal na prinsesa!” ayan sinigawan ako nung isa. = o = “Eh totoo naman kasi! Sinabi ko na sa inyo di ba? Wala ngang kasalanan si Naya, napilitan lang siya! Ba’t ba kasi ang kulit n’yo? Paulit-ulit na tayo dito di n’yo naman ako pinakikinggan.” “Nilabag niya ang bat—” “Wala akong pakialam sa batas mga buset k

