**28 – Written In The Stars** “When I look at my life, How the pieces fall into place. It just wouldn’t rhyme without you. And when I see how my path Seems to end up before your face The state of my heart, the place where we are, Was written in the stars.” - Westlife Wala nang nagbabantay sa akin nang magising ako. Tatlong araw. Sa tatlong araw na ‘yon mas pinili kong hindi magpapasok ng mga tao pwera kay Zero. Ayokong makita sila. Ayokong makakita ng iba. Natatakot akong baka makapanakit ako ng hindi ko sinasadya. Ito ang unang beses na bababa ako mula sa silid na pinagkulungan ko. It was weird dahil maski ang tinig ni Zero ay kanina ko pa hindi naririnig. Pagdating naman sa sala, lahat ng ilaw ay nakapatay. Wala ang mga maids na kara

