**23 – Bonding** Nakaupo lang ako habang tinitignan silang magtitigan. Nahilot ko ang side ng ulo ko. Nakaka-stress silang lahat eh. Si Robin, si Shannon, si Ryou, si Nelissa, si Mr. Cain. Anong klaseng mga titigan ‘yan? “Ma, anong ginagawa n’yan dito?” “Umupo nga muna kayong mga bata kayo. Hindi ba pwedeng mag-usap ng walang galit? Ng walang nakasinghal?” Napilitang maupo sina Shannon at Robin. Hinila ko si Ryou sa couch na inuupuan ko. Nakikita ko si Zero sa peripheral vision ko na nakaupo lang sa railing ng second floor. Napabuntong hininga ako. Sinabi ko na ngang hindi magandang ideya ‘to ang kulit-kulit ni Nelissa. “We’re all here para tumulong kay Xanara. Nagbalak siya ng isang pool part

