**21 – Over Matters** I watch in confusion as the Naya girl cries and pleads to Nelissa for one more chance. Wala akong makitang rason kung bakit hindi nila mabibigyan ng pagkakataon ‘yan. Afterall they are blood related. At isa pa, valid naman ang reasoning niya. Napilitan lang siya dahil sa lack of attention. Yun lang naman. “Pakawalan n’yo lang si Ryle. Pakawalan n’yo lang siya, gagawin ko ang lahat. Nakikiusap ako.” Yan, kanina pa niya sinasabi yan. Sino ba yung Ryle? Syotaan niya? “Naya,” lumapit si Mena sa anak niya. “Ligtas si Ryle, nais niya ang makabubuti sa’yo. Kung talagang handa ka nang bumalik sa dati at tulungan kami, magpapakita siya sa’yo.” “Pangako, hindi ko na gagawin ‘yon. P

