Ayaw ni Gabbie na makita sa opisina na namumugto ang kanyang mga mata kaya nag desisyon syang mag leave muna sa trabaho para mag bakasyon sa isang Isla. Dito nya ibubuhos ang lahat ng luhang nagmamadaling kumawala sa kanyang mga mata. Ang kanyang buong pagkatao ay parang bumalik sa panahong iniwan sila ng kanyang Tatay. Masakit at parang walang katapusang pag luha habang ang kanyang puso ay tila sinasaksak ng libo- libong tabak. Nakatitig si Gabbie sa malawak na karagatan, ngunit wala siyang maramdamang kapayapaan. Ang kaniyang buong pagkatao ay tila inanod na rin ng alon, nagkapira-piraso at nilamon ng alat ng sariling mga luha. Masakit na makitang buo ang mundo sa kaniyang paligid, habang siya ay nananatiling wasak sa kaniyang kinatatayuan. Hindi nya alam kung kaylan ito mabubuong muli o

