"Housekeeping Sir! Change of linens and towels lang po" masiglang bati ng hotel staff. Magdamag niyang hindi nakita ang binata kaya ang kuwarto nito ang una niyang pinuntahan. Nag- aalala rin kase siya dahil hindi pumapalya ang binata na mag kape tuwing gabi. Ang matinis na tunog ng master keycard at tatlong sunud- sunod na katok ang pumukaw sa mahimbing na pagkakatulog ni Ace. Hindi na siya nag- abalang mag mulat ng mata dahil sa bigat na nararamdaman. Pagkabukas ng pintuan ay tumambad sa staff ang makalat at maasim na amoy ng kuwarto ni Ace. Dali- dali niyang ipinatong sa sofa ang dalang kobre kama at tuwalya nang makita ang itsura ng binata na nanginginig ang buong katawan at nakayakap sa sarili. Sinalat niya ang noo ng binata. "Sir! Ang taas ng lagnat mo!" wika nito nang maramdaman ang

