Kinuha ni Gabbie ang cellphone sa kaniyang bulsa at sinimulang itipa ang numero ng kaibigan nilang si Louise. Umabot sa tenga ang kurba ng kaniyang mga labi nang marinig ang tunog na nagkokonekta sa tawag niya sa kabilang linya. Maya- maya pa ay narinig na niya ang boses ng kaibigan. "Oh? Anong balita diyan?" tanong ni Louise habang nakangiti. "Eto nga ang chika. May nasimot akong pulseras The Promise Bridge, na may pangalan ko at date ng anniversary namin ni Ace" wika ni Gabbie habang nakasapo ang isang kamay sa kaniyang mukha. Breaktime ngayon kaya nakatawag siya sa kaibigan. Hindi na niya mahintay ang oras ng pag- uwi kaya sinamantala niya ang oras ng tanghalian para kausapin ito. "Oooowwwss? So, sa tingin mo andiyan ex mo?" tanong nito. "Siguro. Hindi ko alam ang iisipin ko e" ku

