Bago pa man makapagsalita ang lalaki ay marahas na hinablot ni Ace ang kuwelyo nito. Halos bumaon ang tela nito sa leeg ng lalaki dahilan para siya ay mapaubo. Ang tela nito ay bumalot sa malapad na kamay ni Ace, sapat para maramdaman ng lalaki ang init at bagsik nang galit nito sa kaniya. "alam kong ikaw ang stalker niya!.. Kaya kung ayaw mong mabura iyang pagmumukha mo... sabihin mo na ang nalalaman mo!" maawtoridad na sigaw ni Ace na tila nauubusan na nang pasensya. Ang kaniyang isang kamay na nakakuyom ay nakatutok sa mukha nito. Para itong isang mabangis na agila, tahimik na nagmamasid at handang pumuksa ng kalaban anumang oras. Ang mga nakasungaw na litrato sa bulsa ng polo ng stalker ang umagaw sa atensyon ni Ace. Unti- unti niyang binitiwan ang lalaki at agad na kinuha ang mga bag

