"Anak" pag tawag ng Ina ni Gabbie sa kanya habang kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, tulog ka na ba?" ulit nito bago buksan ang pintuan ng kwarto ni Gabbie. Hindi kasi sya narinig nito kaya nag desisyon syang buksan na lamang ito. "Anak, may bisita ka" sabi nito habang inuuga ang katawan upang magising ang kanyang anak. Hindi agad nagising si Gabbie dahil sa sobrang pagod nito sa trabaho, pag dating nya ay nakatulog agad sya, hindi na nga nya nakuha pang mag palit ng damit dahil agad na syang nahiga pagkarating ng bahay. "Sino po Nay?" pupusngat pusngat nyang tanong. "Si Ace" sagot nito. "Sabihin nyo po Nay, natutulog na ako". tinatamad nyang sagot sa kanyang Ina. "Anak, harapin mo na. Nakakahiya naman sa tao" pilit ng ina nya pero hindi sya nakibo. Ayaw nyang harapin it

