Telve

4438 Words
Chapter 3 Chapter 2 Hapon na 'kong nagising. Ang sama ng gising ko, may kung sino ang kumakatok sa pinto. Kahit napipilitan ako ay tumayo narin naman. Napaka abala masyado. ""Sino po sila?"" ""Hi, kaninang umaga kumatok ako pero walang sumagot kaya bumalil ako ngayon. Ako nga pala si Nick, bagong lipat sa katabi mong apartment."" Tinur niya yung pintuan sa kabila. Hindi ko alam ang aking isasagot. ""Ah ganun ba? Yung dating naka tira diyan, patay na ngayon."" ""Huwag ka namang mag biro."" ""Seryoso ako."" ""Ah ganun ba, oo nga pala."" Inabot niya sa 'kin ang plastic topper ware. Tinignan ko ito at nalamang menudo ang nakalaman. ""Mag kano?"" ""Hahaha, nakaka tawa ka naman. Libre lang yan dahil bagong lipat ako."" ""Salamat."" ""Walang anuman, oo nga pala may nakita akong napaka gandang babaeng lumabas sa apartment mo. Girlfriend niyo ba yun?"" ""Hindi."" ""Kapatid?"" ""Hindi."" "E ano?"" ""Kahapon umulan ng malakas, pinapasok ko lang sa apartment ko dahil wala siyang matutuluyan."" ""Napaka bait niyo naman po."" ""Hindi naman, naawa lang ako sa 'kanya dahil mukha siyang pulubi."" ""Hindi naman! Nakita ko napaka ganda niya sana makita ko nga ulit siya, kakaiba yung taste niyo. Ano bang pangalan mo?"" ""Ralph."" ""Sige po, mauna na 'ko. Magustuhan niyo sana yang luto ko. Mag aayos pa kase ako Ralph ng gamit ko."" Umalis na siya, wala naman akong pake-alam sa totoo lang. Napansin ko sa orasan na 5 o'clock na ng hapon akong nagising. Kinain ko ang binigay sa 'king pag kain ni Ralph at tinitigan ang oras. Tik-tok lang ito ng tik-tok. Nandidilim na nanaman ang paligid sa 'kin. Dahil sa katahimikan unti-unti akong dinadala nito sa kabagutan. Napag pasiyahan kong hanapin ang lubid na binili ko bago kami mag kakilala ng babaeng mamatay tao. Nakita ko ang lalagyanan ng plastik sa basurahan, inangat ko ito at mas lalo akong nainis. Ang taling binili ko'y gupit-gupit at samatutal na hindi ko na magagamit. ""Nakaka inis talaga ang babae yun!"" Malakas ang kutob kong siya ang sumira sa tali. Lumabas ako sa apartment at naglakad-lakad. Tiyo na ang daanan dahil kahapon ay malakas ang ulan at maputik. Lumakad lang ako habang hindi alam kung saan pupunta. Hindi ko nalang napansin na nasa isang eskenita na pala ako- ang lugar kung san kami nag kita. Maraming pulis doon, hindi ako mag tataka. Alam na nilang may nangyaring pag patay doon. Minabuti kong umalis ngunit isang magaspang na kamay ang humawak sa braso ko. ""Ako nga pala si Detective. Cohen."" ""Ralph."" Nakipag kamay muna ito nag handa siya ng papel at ballpen parang i- interrogate niya ako. ""May alam kabang nangyari kahapon sa lugar na i'to?"" ""Wala."" ""Sigurado ka?"" Tinitigan niya ako sa mata na parang binabasa kung nag sisinungaling ako. ""Oo."" ""Ah ganun ba? Mukha kaseng pamilyar ang mata mo sa dekada kong nag tatrabaho bilang imbestigador, hindi ko mabasa ang mata mo i'ho."" ""Okay."" Binigyan niya ako ng isang card. ""Tawagan mo 'ko kung may nalalaman ka."" Umalis na siya, hindi siya sigurado na may alam alam ako o wala. Naniniwala siya sa posibilidad. Sa isip-isip ko'y wala namang benepisyo sa'kin kung mag susumbong ako sa mga pulis ng tungkol sa nasaksihan ko. Isa pa'y hindi ako nag titiwala sa mga pulis kagaya ng lahat. Umalis na 'ko, dumiretso nalang ako sa convenience store. Bumili ng kahit ano at dumiretso nalang umuwi. Nanlalata ako. Bukas ay may pasok nanaman. Sigurado akong mapupunta nanaman ako sa ospital dahil sa bugbog ng mga kaklase ko. Humiga na 'ko sa kama. Ayokong mamatay dahil sa kanilang mga kamay, matutulog nanaman ako, naririnig ko nanaman ang kanilang demonyong halakhak. Natatakot akong pumasok pero wala naman akong pag pipilian. Yun lang naman ang school dito hindi rin afford ng magulang kong palipatin ako sa ibang school. Pumikit na ako. Habang hinihintay na kuhanin ako ng kaantukan, sana managinip naman ako ng kahit papaanong kabuluhan. Lunes nanaman, kailangang pumasok. Kahit na nahihilo pa ay pinilit kong tumayo. Tumungo sa banyo at mabilis na nag linis ng pangangatawan. Sinuot ko na ang aking salamin. Hindi na ako kumain, dumiretso na ako papasok. Tatlong kanto ang layo ng George academy mula sa apartment ko, nilakad ko nalang. Ilang metro nalang ang siyang layo ay hindi pa 'ko nakaka pasok sa gate ay may isang lalake ang humarap sakin. ""Tanggalin mo salamin mo, susuntukin kase kita!"" Tinanggal ko ang salamin ko at nakangisi itong sinuntok ako. Napaka sakit- pero umpisa palang ito, sigurado ako. Naka pasok ako sa room Stem A-1 pag kaupo ko ay tatlong lalake ang siyang tumayo upang lapitan ako. ""A-anong kailangan niyo?"" Malumanay kong tanong, sabay silang tatlong ngumisi. Napaka sakit. ""Paki tanggal ng salamin mo."" Hindi nga ako nag kakamali, salit-salitan nila akong sinuntok. ""Masaya na 'ba kayo?"" ""Oo, mabuti nalang nandyan ka. Stress reliever ka kase namin!"" Humalakhak sila. Napaka sakit ng aking panga, alam kong may pasa na ito hindi na kakayaning tumanggap pa ng mga suntok sa susunod. Tiyan naman siguro ang gagamitin ko. Pinili kong pumunta sa pinaka dulong upuan, maraming bakanteng upuan doon kayat walang lumalapit sakin. Nag iisa lang ako, wala namang pake-alam ang nga guro kung makinig ako o hinde. Tumingin lang ako sa bintana habang pinag mamasdan ang pag lipad ng mga ibon. Hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko. Sinakal ako nito. ""Hahaha, tang ina. Namumula yung mukha mo."" Sinakal nito ako mula sa likuran, hindi ako makahinga. ""Hoy, tama na. Baka mapatay mo pa yan wala na tayong stress reliever."" Napag alaman kong si Chester pala ang sumakal sakin. Nakangiti lang siya na nakatingin sakin. Sa matutal ay laruan lang ang tingin nila sa 'kin. Stress reliever? Hindi na masama. Umalis na sila pero nag iwan sila ng hugis ari sa pisngi ko. Ang ginamit nila ay permanene pen, pinilit kong kuskusin yun ngunit hindi tumalab. Ayaw matanggal! Ayaw matanggal?! Naka focus ako sa pag tanggal ng pen sa mukha ko at hindi ko napansin na may kung sinong naka pamulsa ang naka tayo sa harap ko. Tinignan ko ito. ""Ang ganda ng tattoo mo, Ralph."" Wika ni prof. Dallas. Lahat ng kaklase ko ay tumawa, dahil sa naka drawing sa pisngi ko- t**i. ""P-pasensya na po, tatanggalin ko na po."" Minarapat kong tumayo, ng papalabas na ako ng room papuntang restroom sana ay tinawag ako nito. ""Hindi mo na kailangang pumunta sa restroom, Ralph. Bilang parusa ay hindi mo yan tatanggalin hangggat matapos ang araw na i'to."" Tumawa ang mga kaklase ko. ""Pero p-prof- ""Hindi mo ba 'ko susundin?"" ""Pasensya na po."" Umupo na ako sa 'king silya, sinusundan nila ako ng tingin. Napaka laki ng drawing sa pisngi ko, hindi ko magawang itago. ""Ganda talaga ng tattoo mo."" Wika pa ng isa. ""Sinong nag drawing sa mukha ni Ralph?"" Natuwa ako, tutulungan sa siguro ako ni prof. Dallas. May nagaganap na bully, nasa mukha ko ang ebidensya na binubully nila ako. ""Ako, po."" Nag taas ng kamay si Chester. Hindi ko masyadong inasahan na aamin siya sa kanyang kasalanan. ""Ito."" May inabot na kung ano si prof. Dallas kay Chester. Ngumiti ng normal si prof. atsaka nag sambit ng di ko inaasahan. ""Nagustuhan ko yung drawing mo, dahil diyan binibigyan kita ng permiso para mag drawing pa ng marami."" Tumawa ang klase. ""Sige, prof."" Mabilis akong nilapitan ni Chester, naka bungisngis ito habang sinusulatan ang mukha ko. Tinanggal ko din ang salamin ko gaya ng utos niya upang madali siyang maka pag drawing ng kung ano-ano. Tumawa ang klase. Napaka lamig ng mukha ko, masyadong matapang ang red pen na ginamit niya. Pati tilukap ng mata ko'y sinulatan niya. ""Napaka ganda mo talagang mag drawing, Chester."" ""Salamat, prof."" Umupo na si Chester pero naka tingin padin sakin ang buong klase. Hanggat maya-maya pa'y nag sawa sila sa kakatitig. Gusto kong umiyak. Kung sana pinatay ako kahapon ng babeng nakilala ko e' di sana di ko na naranasan pa ang ganito. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaklase ko kung ang "stress reliever" nila ay biglang nag pakamatay? Hindi na 'ko maka isip ng ano pa man. Naninikip ang puso ko. ""Okay, class..." ""There is a new transfer studente."" Sambit ni prof. Dallas mula sa harapan. Dahil sa hiya ko, hindi ko mapakita ang mukha ko sa klase. Natutuwa lahat sila sa mga nangyayari sakin. Bagong transfer student, panibagong bully nanaman. Nakaka sawa na. Wala akong interes na tignan ang bagong studyante. Ang ginawa ko nalang ay dumukdok habang tinatago ang mukha. Bakit napaka sama ng prof. ko. Hindi siya isang guro para sa 'kin. Isa siyang demonyo. Naririnig ko palagi na kesyo ang hot at napaka pogi ni prof. Dallas. Maski ang principal ng George Academy ay pinapaburan siya. ""Hi, my name is Ailee Xally. Kinagagalak kong makilala kayong lahat."" Rinig kong sambit niya. Kahit naka yuko ako ay minabuti ko nalang pakinggan ang sinasabi niya. ""Nag transfer ako dito dahil meron akong hinahanap, mula ako sa Phillips Academy- Sandali, ang Phillips academy ang pinaka prestihiyosong paaralan dito sa Pilipinas. Bakit niya napiling lumipat sa mas mababang antas. Kahit sikat ang George academy ay wala paring katulad ang Phillips dahil napaka sosyal ng paaralan na 'yon at tanging milyonaryo lang ang nakaka pasok. ""Napaka ganda niya!"" Rinig na rinig ko ang bulungan sa harap, malalake man o babae puro papuri sa kanya. ""May hinahanap ka? Pwede bang malaman kung ano 'yun?"" Tanong ni prof. Dallas. Hindi ko nakarinig na sumagot siya mula sa tanong ni Prof. Dallas. Akala ko'y naka upo na ang babae sa kung saang upuan. Hanggat naka rinig ako ng yakap, papalakas ito ng papalakas hanggat huminto na ito. ""Anong pangalan, mo?"" Alam kong naka tayo siya mula sa upuan ko. Minabuti kong itaas ang ulo, nalaman ko nalang na ang buong klase ay naka tingin sakin ng masama. Tumingala ako upang tignan ang bagong transferee student. Hindi ako maka paniwala sa bumalangkas saaking mukha. ""Ralph Celozi."" ""Ako nga pala si Ailee Xally."" Yumuko siya sa kaliwang balikat ko atsaka mabilis na dinilaan ang isang banda ng leeg ko. ""Huwag mo sasabihin kahit kaninuman na may pinatay ako, kung hindi ay hindi kita papatayin. Ma 'liwanag ba?"" Bulong nito. ""Wala akong interes na ipag sabi sa iba, sa matutal naman ay walang maniniwala sakin."" Mahinang sagot ko sa binilin niya. Bigla nalang siyang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko kahit paman maraming gusto ang maupo siya sa harap. ""Ms. Ailee, I recommend na hu 'wag kang tumabi sa lalakeng i'yan dahil- ""No thanks, I sit everywhere I want."" Natameme ang buong klase. ""Okay, If you change your mind. Don't hesitate to ask me to changed your sit."" Tumango nalang si Ailee. Hindi ako makapaniwala na may katabi ako sa mga oras na ito. Hindi lang pala siya basta-bastang estudyante dahil parang kahapon lang ay nakita ko kung paano siya pumatay. Pinisikan niya ako ng kung ano. ""Alcohol, para matanggal ang sulat sa mukha mo, Ralph."" ""S-salamat, pero sabi ni prof. ay huwag ko daw itong tanggalin hanggat matapos ang klase."" Napansin ko si prof. na nakatingin sa 'kin ng masama. Parang hindi niya nagustuhan na may katabi ako ngayon. Mabilis na natapos ang klase at lunch time na. Minabuti kong lumisan agad bago ako pag initan ng mga lalakeng may interes sa bagong trasferee. ""Oo, pre! Napaka ganda nu'ng babae!"" ""Grabe napaka hot, sana matikaman ko siya."" Grupo lang naman i'yon ni Lary, mayron siyang gang dito sa loob ng school. Umiwas nalang ako sa pwesto kung saan sila kumakain, kagaya ng kadalasan ay tumungo ako sa rooftop. Wala doong ni isang tao, kayat nalalasap ko ang katahimikan sa pali- ""Wow, ang ganda naman di'ne!"" ""Bakit ka nandito?"" ""Masama bang makipag kaibigan?"" ""Hindi, pero mas mabuting umiwas ka sa 'kin."" ""Hindi kita maintindihan, Ralph."" ""Paki usap, layuan mo 'ko. Pangako, hindi ko ipagsasabi sa kahit sino'man na serial killer kayat layuan mo na 'ko."" ""Napukaw mo kase ang interes ko, suicidal."" Umalis agad ako sa rooftop at piniling mag lunch nalang sa restroom. Tutal ay nasa restroom na ko'y tinanggal ko narin ang tinta sa mukha ko. Ng tumunog ang bell ay agaran akong bumalik sa silid, lahat ng lalake doon ay nag hahantay sa 'kin. Pag pasok ko narinig ko ang kanilang pag papaputok ng daliri. ""Paki tanggal ang salamin mo, Ralph. Kailangan namin lahat ng stress reliever- At doon ay nabugbog na nila 'ko. Alam kong naka silip lang si Ailee sa bintana. Parang nakalkula niya na mangyayari sakin ito. Nakangiti lang siya habang pinag mamasdan akong nabubugbog. Nakangiti lang siya habang pinag mamasdan ako ng paulit-ulit parang sinadyang niyang ipakita sakin na nakikita niya ang pag durusa ko. Pakiramdam ko tuloy ay napaka baba ko. Napaka baba ko sa totoo lang. Kayat kapag namatay ako sa baba ako mapupunta. ""Okay na, natanggal na namin stress namin. Sa susunod ulit, Ralph."" At doon ay humalakhak silang lahat. Nakaka tuliro na ang kanilang pag tawa. Ng matapos ang klase ay hinang hina ako, balak ko sanang pumunta sa clinic ngunit wala doon si Nurse Ann. Napaka dami kong sugat pati pasa sa mukha. Agad akong umuwi sa bahay. Pag uwi ko palang ay pakiramdam ko babagsak ako dahil sakit ng katawan ko. Agad akong dumiretso sa kama kahit hindi pa 'ko nakaka pag palit ng pambahay. Dumoble pa ang pag papaka sakit ko dahil nilapitan ako ng babaeng yun- si Ailee. Ng maramdaman kong kaunti bumalik na ang lakas ko ay napag desisyonan kong kuhanin ang alcohol sa gilid. Naligo ako at binuhusan ko ang likuran ko ng alcohol dahil may mga sugat iyon at di ko maabot. Hindi rin nag tagal at natapos rin. Wala ako sa mood mag basa ng libro, naka titig lang ako sa orasan habang pinapanood kung paano ito mag t****k. Napatayo ako ng may kumatok sa 'king apartment. Si nick nanaman to'h sigurado ko. ""Hi."" Pag bukas ko ng pinto ay hindi ko inasahan na babalik ang babaeng ito. ""Bakit ka nandito?"" ""Napaka rude mo naman, hindi mo manlang ba 'ko papapasukin muna?"" ""Hindi."" ""Parang walang nangyari sa 'tin?"" ""Huh?! Wala namang nangyari satin?!"" ""Nakaka tawa naman ang reaksyon mo, Ralph. Baka gusto mo talagang may mangyari... pag bibigyan kita."" Hindi ko siya napigilang pumasok. ""Tigilan mo 'ko. Ano 'yang dala-dala mo?"" ""I'to ba? Bag ko tapos nasa loob yung mga damit ko."" ""Bakit pinasok mo 'yan sa apartment ko, huh?"" ""Dito na 'ko titira, dapat panga mag pasalamat ka!"" ""Bakit naman ako mag papasalamat?"" ""Dahil palagi mong makikita ang magandang mukha ko."" Bigla siyang nag pacute sakin. Lumapit siya ng lumapit hanggat madikit niya ang dibdib niya sa 'kin. ""Wala akong interes, layuan mo 'ko."" Tinignan ko siya ng masama. ""Umalis ka dito, ayokong mag patira ng pulubi sa- ""Ito!"" Bago ko pa sabihin ay sasabihin ko ay sinampal niya sakin ang pera. ""Limang daang libo para sa pag papatira mo sa 'kin."" ""Okay."" ""Hindi ka manlang mag papasalamat?!"" ""Para sa'n?"" ""Dahil sa binigay kong pera?"" ""Hindi, reasonable ang pag bigay mo. Kung seryoso kang titira ka dito marapat lang na mag ambag ka."" ""P-pero sobra yan..."" ""Sino ba nag bigay sa 'kin nito?"" ""Ako."" ""Sinong may kasalanan?"" ""Ako..."" ""Sino ang mamatay tao?"" ""Ako."" Mukhang papaiyak siya, siguro ito lang ang perang dala niya kayat binalik ko na sa kanya. Naawa naman ako, pakiramdam ko hinuhuthutan ko siya. ""Ayan, huwag ka ng malungkot."" Inabot ko sa kanya ang limang daang libo. ""Bakit mo binabalik sakin, d-diba sabi mo kailangan kong mag ambag?"" ""Hu 'wag ka ng mag alala, hindi naman ako mukhang pera kagaya ng iniisip mo."" ""Kung akala mo, mag papasalamat ako sa'yo ay nag kakamali ka!"" ""Hindi ko inaasahang mag papasalamat ka, gusto ko lang malaman kung bakit mo naisip na tumira dito sa apartment ko?"" Hindi niya ako agarang sinagot. May kinuha siyang kung ano sa bag atsaka niya ito ininom. Hindi ko alam kung ano yun pero sa palagay ko ay gamot. ""Dahil pakiramdam ko, ligtas ako pag nandito ako sa apartment mo."" ""Anong ibig mong sabihin?"" ""Hindi mo rin naman maiintindihan, Ralph."" Isang kwarto lang ang apartment ko, masyadong maliit para sa 'min. Hindi ko magawang tumanggi sa kanya. Pag tapos niyang sabihin na pakiramdam niya ay ligtas siya dito. Hindi ko man alam ang ibig sabihin niya at satingin ko may pinag huhugutan siya. ""Kailangan mo ba ng tulong?"" Wika ko habang nag nilalabas niya sa bag ang kanyang mga damit pati mga panloob. ""Gusto mo ba talagang tumulong? O' gusto mo lang makita ang panloob ko?"" Sinundot niya ang tagiliran ko, habang hinhintay ang pag sagot na inaabangan niya. ""Okay, hindi na kita tutulungan. May bakanteng drawer doon sa gilid ng kama, pwede mo du'n ilagay ang mga damit mo."" Sambit ko. Atsaka nag desisyong humiga. Pinag mamasdan ko lang siyang natutuliro sa pag aayos ng damit. Nakatulog ako bigla ng di ko napapansin. Pag gising ko'y naka tapat na sakin ang babae habang naka tapis lang. ""Anong ginagawa mo?"" ""Wala naman, bagong ligo kasi ako."" ""Ah ganun ba, sige mag bihis kana."" ""Yan lang ba talaga sasabihin mo? Nakaharap ako sa 'yo tapos naka tapis lang ang suot ko!"" ""Ah okay, ganda mo talaga. Mag bihis kana do'n."" Nag bihis naman siya kaagad. Narinig ko nalang na may pinapaandar siya sa tabi ko. Binuksan niya ang tv ko. ""Gusto mong manood ng movie?"" ""Anong movie?"" tanong ko naman. ""Japanese movie, ang title 'ay, "My girlfriend is a serial killer." Mukhang maganda."" ""Bumili ako ng beer, baka gusto mo, Ralph."" ""Ibato mo sa 'kin."" Bumaba ako sa kama ko dahil nasa sahig naka lagay ang tv, tinabihan niya ako atsaka sabay na uminom ng beer. ""Ang sarap!"" ""Hmm... oo nga."" Habang umiinom ay nag simula na kaming manood hanggat matapos ito. ""Grabe, napaka ganda!!"" Hindi ko matago na natuwa ako saming pinanood. ""Sabi ko sa 'yo, hindi pangit ang taste ko."" Nilapat niya ang kamay niya sa magulo kong buhok. ""Pakiramdam ko din, Ralph. Gwapo ka, pagupit ka na kaya."" Napaka galing naman niyang mag manipula, sa tingin pa niya au madali akong mauuto. ""Hindi ako gwapo ga'ya ng iniisip mo."" ""Anong oras na?"" ""7 o'clock ng gabi."" ""Ah, 'o siya matutulog na ko. Salamat nag enjoy ako kahit papaano, Ailee."" ""Kinikilabutan ako sa 'yo, hu 'wag ka ng mag pasalamat napaka babaw ng kaligayahan mo."" ""Isa lang talaga ang pinagtataka ko, kung bakit ang isang katulad mo na maganda ay piniling tumira sa isang kagaya ko. Napaka laki ng hawak mong pera, pwede kang lumipat sa ibang apartment kung nanaisin mo."" ""Bakit parang nag seryoso ka, Ralph?"" ""Palagi akong seryoso."" ""Sa katunayan ay may tatlong dahilan kung bakit ko piniling tumira sa apartment na ito, kasama ka."" ""Ano?"" ""Ang unang dahilan ay masaya ako na tinatraro mo ako ng normal kahit na alam mong mamatay tao ako."" ""O-okay."" ""Ang pangalawa naman ay dala ko ang pangako ko sa 'yo na papatayin kita."" ""Salamat."" ""Ang pangatlo, hindi ko pa sa ngayon masasabe."" ""Ah ganun ba, naiintindihan ko."" Nag latag na siya ng kutso sa sahig at ako naman ay bumalik na sa kamang pinanggalingan ko. Kahit papaano, pakiramdam ko. Bago ako mamatay ay makakaramdam ako ng kasiyahan kapag kasama ko ang babaeng ito. Matutulog na 'ko. "_"_" Pag gising ko ay bumungad sa 'kin ang naka tutok na kutsilyo saking leeg. ""Gumising ka na, Ralph."" ""Oo nga pala, late na 'ko."" Tinanggal na niya ang kutsilyo na naka tutok sa leeg ko. ""Anong oras na 'ba?"" Malumanay na tanong ko. ""9 o'clock na ng umaga."" ""Late na tayo."" ""Pumasok na lang tayo sa pang hapon na schedule na klase."" ""Bakit hindi mo 'ko ginising?"" ""Nakita ko ang buong katawan mo, maraming pasa kaya siguro ang sarap ng tulog mo. Mag pahinga ka na muna, Ralph."" ""Kinakaawaan mo ba 'ko, Ailee?"" ""Oo."" ""Itigil mo 'yan, ayokong makatanggap ng awa mula sa 'yo."" San ka nakakita ng babaeng mamatay tao na kinakaawaan ang taong papatayin niya balang araw. ""Ah, sige sige. Buti nga sayo nabugbog ka nila!"" ""Yan."" ""Gusto ko talagang malaman, bakit hindi mo magawang manlaban sa kanila sa tuwing sinusuntok ka nila o pinagtritripan."" ""Hindi ko din alam."" ""Huh? Wala kabang utak?"" Hindi ko maintindihan kung paano napunta dito ang aming usapan. Kung bakit nakakaramdam ako ng may pakealam siya sakin, kung bakit nagagalit siya para sa kapakanan ko. ""Bakit mo sinasabi ang mga katagang yan?"" Hinantay ko ang sagot niya, ngunit hindi ko inasahan ang sasabihin niya. ""Hindi ko gusto makakita ng kahit sino man na may sinasaktan."" Saad niya habang may iniisip na eksena sa kanyang utak. ""Anong sinasabi mo, Ailee?"" Bumabalik nanaman ang literal na pagka psycho nito. ""Sa madaling salita, gusto ko ako ang nanakit sa tao. Ayokong nanonood lang gusto ko ako ang gumawa, haha."" ""Bakit ka nakangiti noong binubugbog ako?"" Pag tatakang tanong ko sakanya. Bumilis ang t***k ng puso ko ng niyakap niya ako. ""Dahil- iniimagine kong ako ang bumubugbog sa 'yo kaya napapangiti ako pag nasasaksihan kitang nabubugbog ng sarili mong kaklase. ""Okay."" ""Napaka boring naman ng sagot mo, nasasarapan kaba sa yakap ko sa 'yo?"" ""Hindi, nabibigatan ako sayo."" Tinulak ko siya. ""Arayy!"" ""Pasensya na napa lakas ba?"" ""Ay, hinde. Napaka hina nga!"" ""Okay."" ""Anong gusto mong kainin?"" ""Ikaw?"" ""Huh? Bakit nama biglaan, Ralph?!"" ""Bakit ka nag huhubad?"" ""Hindi ba't sabi mo, ako ang gusto mong kainin?"" Napa kamot nalang ako sa ulo ko, tinampal ko ito ng mahina. Kinikilabutan ako sayo! ""Ang ibig kong sabihin, ikaw kako, anong gusto mong kainin?!"" ""Ah, ganun ba?"" Binalik niya ang suot nito. Sabi niya'y gusto daw niya ng menudo, kayat pumunta ako sa convenience store na malapit saking apartment. Halata namang hindi siya marunong magluto at baka masunugan pa kami dahil sa mga kamay niya. Agad akong bumalik, sumadya din akong bumili ng drinks para sa kanya. ""Thanks!"" Dumiretso ako sa kusina at agad na nag luto, alam kong nasa likuran ko siya, may hawak na kutsilyo. Tinuruan ko siya kung paano ang mag hiwa ng balat ng ibang mga kulay. ""Napaka dali lang pala!"" Pinakita ko ang sunod sunod na paraan upang matuto naman siya kahit papaano. Pinakita ko kung paano ang pag sasaing. ""Wow, bat may bubbles?"" ""Gaano ka 'ba ka 'inosente?"" Natapos kami sa pag luluto- ako lang pala ang nag luto. Tinanong niya bawat detalye kung paano ang pag luluto ng menudo, kung kayat sa susunod ay gusto niyang ipag luto ako. ""Grabe, nakaka pagod mag luto!"" Maliit lang naman ang apartment ko kayat pinatong ko nalang ang pag kain sa tabi ng tv. ""Para sabihin ko, hindi ikaw ang nag luto. Pinanood mo lang ako at puro tanong ka. Hindi ka ba marunong ng gawaing bahay?"" ""Sa katunayan, hinde."" Nauna na siyang mag sandok ng kanin kahit tinatanong ko pa ito. Napa isip tuloy ako kung paano kaya siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Kung bakit siya naging isang serial killer. Sumandok na din ako, kita ko kung gaano siya katakaw kumain. Hindi ko talaga alam kung serial killer ba talaga siya. ""Pwede ba 'kong mag tanong?"" Tanong ko sakanya habang abala siyang ngumuya sa pag kain namin. ""Hmm, ano?"" ""Ano bang trabaho ng parents mo? Bakit ka lumaki bilang cereal killer?"" ""Nawalan na 'ko ng ganang kumain... ""...Pero sasagutin ko ang unang tanong mo. Ang trabaho ng parents ko ay CEO sila sa isang kumpanya. Marami silang koneksyon pag dating sa politika." ""Sinasaktan ka ba nila?"" ""Hinde."" Kung ganoong nanggaling siya sa mayamang pamilya, sa'n siya natutong pumatay? ""Pa'no ka natutong pumatay?"" Tinignan niya ako ng masama. Nararamdaman ko ang galit na nanggagaling sa kanya. Hindi ko maintindihan, parang kanina lang ay ang saya-saya niya ngunit ngayon ay para siyang sinapian. ""Tigilan mo ang pag tatanong sa 'kin ng mga personal na bagay, p-paki usap?"" ""Ah, okay."" Natapos kaming kumain, niligpit ko ang aming pinag kainan. Nauna na siyang gumayak para sa pag pasok namin sa school. Di parin mawala sa'kin ang dahilan kung bakit siya naging interesado sa pag patay sa tao. ""11 o'clock na!"" ""O, siya. Gagayak na 'ko."" Mabilis akong gumayak, hinila niya ako palabas. Nakangiti ito, kinikilabutan ako sa kanya. Kani-kanina lang ay galit ang titig nito sakin pero ngayon napaka cute na niya at naka ngiti ng napaka tamis. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay mabilis akong tumigil sa isang tabi, nilinga linga ko ang paligid upang maka sigurado. ""Ralph?"" ""Pasensya na, Ailee. Hindi na kita muling tatanungin pa kung bakit ka naging serial killer. But if you feel like telling me what happed, I'll appreciate it." Ginamit ko ang tono ng normal kong boses. ""S-salamat, sa totoo lang. Hindi ko inaasahan na sasabihin mo yan, pero wag kang mag alala- Napaka bilis niyang gumalaw, dinilaan niya ang isang parte ng leeg ko. ""Sasabihin ko din sa 'yo ang dahilan, pangako 'yan. Bago kita patayin."" Nakakatakot at sweet ang paraan niya ng pag sabi ng mga katagang 'yon. Mabuti nalang talaga at hindi padin niya nalilimutan ang aming pinag kasunduan. Napapalapit na 'ko sakaya, dahilan para maging worth it siya para pumatay sakin. Ilang metro nalang ang layo namin sa gate. ""Pwede bang mauna ka ng pumasok?"" Sambit ko kay Ailee. ""Ah, sure!"" ""Mabuti naman."" Hindi siya nag tanong dahil alam naman niya sa sarili niya ang dahilan, at yun ay kung sakala na makita ng mga lalakeng nag kakagusto kay Ailee na mag kasama kami. Siguradong ako ang pag iinitan nila at palaging ibubunton sa bugbog. Kumaway na siya, hanggat nawala siya sa paningin ko. Lumakad narin ako, kakalabas lang nila habang ako naman ay kakapasok lang. Kami lang ang siyang tao di'ne ni Ailee, kumaway kaway pa to'h sakin habang nakangiti. May pumasok na ilang mga lalake. ""Hi, Ailee. Ako nga pala si Dylan."" ""Hello."" ""Aayain sana kita sa rooftop para sabay na kumain, don't worry I'll treat you."" Siya si Dylan Bardot isa sa pinaka sikat na lalake sa George academy, mula siya sa mayamang pamilya at maraming babae ang nag kakandarapa sakanya. Ito ang unang beses na mag habol siya sa isang babae, madalas ko tong nakikita na nirereject ang mga babae. Kilala sa pag papaiyak at kilala sa pagiging playboy. ""Pasensya na, pero kumain na kase ako."" ""How about, desserts?"" ""Ayoko."" ""Drinks?"" ""No, sorry."" Wala siyang pake alam kahit na may ibang lalake dito sa loob ng room. Parang hangin lang ako sa pagitan ng kanilang pag uusap. ""Sigurado ka, busy kaba?"" ""Hindi naman."" ""How about, public s*x?"" Nag kakamali ba 'ko ng dinig? ""Dylan, layuan mo 'ko."" ""May boyfriend ka 'ba?"" Nanlaki ang mata ko ng bigla akong tinitigan ni Ailee, nahihibang naba talaga ang babaeng to'h? Gusto niya talagang nabubugbog ako? ""Pasensya na pero boyfriend ko si, Ralph."" Hinahanapan talaga ako ng gulo ng babaeng 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD