(Malia POV)
Argh ang sakit ng ulo ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Nasa kwarto ako? Wait? Hinatid talaga ako ni Klaude pauwi? Tsk naparami ang inum ko kagabi. Wala naman akong naalalang ginawang masama.
Bumangon na ako. Pagbaba ko ng kama. Nagulat ako dahil malapit ko nang maapakan si Klaude.
Teka di pala ito umuwi? Bakit dito siya natulog sa sahig argh.
Gisingin ko na sana siya pero ang sarap titigan ang mukha niya habang natutulog, para siyang umiilaw at ang cute cute niya. Argh anu ba yan.
Napatingin ako sa orasan, damn its 6:30 am. Kailangan ko nang magbukas ng shop.
Dali dali akong kumilos at pumasok sa banyo para maligo.
Kainis dapat 5 am nasa shop na ako ee, kainis mawawalan ako ng costumer nito ee.
Paglabas ko ng banyo. Mahimbing parin na natutulog si Klaude kaya kinumutan ko na lang siya at nagiwan ng note.
: Klaude sorry if I have to go before you. I really need to open my shop early and I can't bear waking you up, because youre really cute. ":
Nilagay ko ang note sa may table at tumakbo na pababa. Sumakay sa kotse ko at nagdrive na papunta sa shop.
Nagulat ako pagdating ko sa Shop, nakita ko ang kaharap na tindahan ng Icecream na BLUE's IceCream ay napalitan na ng Blue's Coffee and IceCream. Pagaari ito ni Blue ang mataray kong kaharap. Nasa gilid kasi ng kalsada ang shop ko, nagoofer ako ng tinapay, cakes, dessert at coffee, Sa kabilang gilid ng kalsada ay ang Icecream store ni Blue, pero bakit nagcoffee na rin siya, nakita ko sa loob ng store niya ang ibang early costumers ko, kasi tanghali na ako nakapagbukas at kahapon di ako nag bukas.
Nakita ko si Blue, inirapan lang ako.
Kainis paano na ako makapagipon niyan kung hihina ang kita ko? Di sapat pambayad sa detective ang pera ko.
Binuksan ko na ang shop at naglinis at nagsimulang mag brew at bake.
Wala kasi akong helper, minsan lang kung weekend, kaya ako lahat.
Mag alas 8 na ng umaga wala parin akong costumer dahil sa store ni Blue sila pumupunta dahil maraming take. Haist.
Yumuko na lang ako sa may mesa habang naghihintay ng costumer.
Mayamaya narinig kong bumukas ang pinto. Costumer yeah.
"Maam what's your, CHASE? "
"Oh bakit walang tao dito? At bakit nagpalit na nang pangalan yang store sa harap ng shop mo? "
"Tsk kainis nga ee, lahat ng costumer ko napunta na kay Blue. "
akala ko costumer na si Chase pala.
"That b***h, diba cold yung tinda niya which is icecream bakit ngayon nag coffee na rin siya? Nagfefeeling hot, ganun? "
I sigh.
"Ikaw bakit nandito ka? Di ka ba nag bukas ng Salon mo? "
"Duh,may nagbabantay sa salon ko kaya ok lang kahit magliwaliw ako. Kaya dapat ikaw kumuha ka narin ng tagabantay ng shop mo. "
"Nako Chase dagdag bayarin na naman yan, alam mo namang nagiipon ako. "
Mayamaya biglang bumukas ang pinto at niluwa si Klaude, Hale, Mharl at Gerald ang ingay pa nila.
"Plain Coffee for two, please. "Ani Mharl.
"Coffee with cream for me with light sugar. "Ani Klaude.
"Softdrink lang saakin. "Ani Hale at pumunta na sa ref.
"Bakit walang yatang tao? Bakit nasa kabila lahat ang costumers Mel? "Ani Gerald.
"Buti napansin mo, tsk, Pero di bale mapopogi naman ang first costumers ko.
"
Nakita ko si Chase na nagtimpla ng coffee para sa tatlo.
"May naiisip ako mga Brad. "Ani Klaude.
"Nako Klaude minsan yang mga naiisip mo masasama pa naman. "Ani Mharl.
"Who wants to help Malia? Raise your nose. "Ani Klaude.
Nagsalpukan ang kilay namin, tinaas ni Mharl at Gerald ang ilong nila gamit ang daliri, si Hale nagkibit balikat lang.
"Huh? Paano? "Tanung ni Chase.
Naghalungkat na si Klaude sa mga drawers. Anu kayang iniisip nito.
"Here. Brads take off your polo and wear this. "Sabi ni Klaude at binigyan ng tigisa isang apron sina Hale, Mharl at Gerald.
Ang mga apron may name ng shop ko.
Nagtinginan ang mga boys.
"No way. I wont do that. "Sabi ni Hale.
"Hale for Malia, saka ngayon lang naman ee. "Sabi ni Klaude.
Si Gerald at Mharl nag hubad na ng polo at sinuut ang apron.
Pinagtulungan nilang hubaran si Hale at pinasuot ng apron.
"Chase tulungan mo si Malia dito kami na magtatawag ng costumers sa labas. "Ani Klaude.
"Wearing this? "Hale exclaimed.
"Hey guys you dont have to do that. "Sabi ko.
"Mel kayo na bahala dito, ibebenta ko na katawan ko para sayo. "Sabi ni Gerald.
"Sira. "
"Ayaw ko guiz dito nalang ako sa loob tulungan ko si Chase. "Sabi ni Hale.
Mahiyain kasi si Hale.
"Nako Hale halika na. "Hinila na ni Mharl at Gerald si Hale palabas.
Inayos pa ni Klaude ang bangs ko at sumunod na.
Mga sampong minuto ang lumipas nagsipagdamihan na ang costumer ng shop, gusto ko mang silipin sina Klaude di ko magawa dahil busy na kami ni Chase, karamihan babaeng costumer.
"Guys, OMG anung nangyayari sa labas? "Ani Gela na kakapasok lang.
"Hey Gel, help here. "Tawag ni Chase kaya nagsuot na ng apron si Gela at tumulong na rin sa pagseserve.
"Diba sa labas ka galing, nakita mo ba sila ni Klaude? "Tanung ko kay Gela.
"Oh my yes, at alam mo ang ha hot nila. Si Mharl nakita kong sumasayaw habang si Klaude namimigay ng authograph, si Gerald namimigay ng kiss at si Hale nagtatago sa likod ni Klaude. "Tuwang tuwang sabi ni Gela.
"Anu? "s**t nakakahiya naman sa kanila ang init pa naman.
"Iba ka talaga Mel, tinutulungan ka ng mga hunkies."
"Teka Gel tawagin ko lang sila. "
"Huh? Bakit? Nagtatawag sila ng costumers. "
"Anu ka ba, ang init na at nakakahiya sa kanila. "
Lumabas na ako sa shop at nakita ko si Blue na nagpapapicture kina Klaude.
"Gerald, Klaude, pumasok na kayo! "
"Mel. Hi, mamaya na may quota kasi kami. "Ani Mharl.
"Forget about it, pumasok na kayo. "Sabi ko.
Naglakad na sila papasok.
"See, effective. "Ngiting sabi ni Klaude.
Binigyan ko siya ng bottled water.
"Di niyo na dapat ginawa yun. "
"Ok lang naejoy naman namin. Teka ang coffee ko pala. "Sabi ni Klaude
"Pero subra naman yata yun. "
"I did it for you at marami pa akong gagawin para sayo. " Klaude said at tumakbo na papasok ng shop.
Nakita ko si Blue na ang talim ng titig saakin kaya pumasok na ako.
Nakita ko sila Klaude na nag seserve at masayang nakipagkwentuhan sa mga costumer, napangiti na lang ako.
Tinintigan ko si Klaude. Bakit parang pamilyar siya, biglang nadako ang tingin niya saakin, kaya nagulat ako, he smile.
There's something in him.
...