Mahigit isang oras nang nasa library si Alex ngunit wala pa rin siyang naiintindihan sa mga inaaral niya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang huminga ng malalim, bukod pa roon ay nangangawit na rin ang leeg niya dahil sa ginagawang paglipat-lipat ng tingin mula sa iPad kung nasaan ang mga notes niya at sa tao na nasa harapan niya. And that person name is Stephanie. His gorgeous blue eyed, pretty face and blonde classmate in Philippine History. Maaga na natapos ang klase nila nang araw na iyon at dahil walang masyadong gagawin si Alex sa kompanya nila ay hindi na siya nagdalawang-isip at tumango sa paanyaya ni Steph na mag-review sila sa School library para sa nalalapit nilang midterm exam. Okay naman si Alex noong unang minuto na magkasama sila. Nakatapos nga siya ng isa

