“Hindi po manang, sinasamahan ko lang ho siya,” nahihiyang sagot naman ng dalaga.
“Totoo ba talaga iyan, mukhang hindi naman huwag mo na nga akong nililigaw ineng alam ko na ang galawan na ganyan!” Biglang pag-buwelo nito na may ngisi sa labi. May ipinapahiwatig ang mga nanunuksong mata sa kanilang dalawa ng kasama niya.
“Po? Hindi ho talaga, sige na po may pupuntahan pa kami.” Iniiwas ni Klaire ang mukha, kasabay niyon ang pag-ikot ng kanyang mata. Nakakaramdam talaga ng inis ang dalaga kapag ganoon na ang tono ng mga chismusa sa kanilang lugar.
Ang usisera mukhang hindi naniniwala, ngunit hindi na nagtangkang umulit pa ng tanong dahil may kaagad nang bumili dito ng bigas na tinda nito.
Habang silang dalawa ay diretso sa paglalakad at saglit na walang imikan sa pagitan nila. Nakabuti naman iyon kay Klaire dahil kumukulo pa rin ang dugo niya sa nangyari.
“Pasensiya ka na, huwag mo na lamang pinapansin ang mga ganoon tao dito sa amin.” Mayamaya ay nagsalita na si Klaire.
“Don’t worry hindi big deal sa akin iyon,” sagot naman ni Thor.
Sa isip ng dalaga ay mabuti pa ito at wala lang dito. Pero para sa kaniya ay sobrang malaking bagay iyon lalo at pinag-uusapan ang dignidad niya bilang babae. Para sa katulad niyang lumaki sa hirap ay iyon lamang ang nagiisang iniingat ingatan niya sa buong buhay niya.
Nakarating na nga sila sa presinto ng San Salvation, bagaman at luma na dahil sa nababakbak na pinturang inilagay mula roon ay maayos pa naman ang ibang parte ng building.
Nagtanong-tanong muna sila sa may front desk nang tuluyan silang makapasok sa loob. Matapos naman silang masabihan na nasa loob ang police officer na kanilang hanap ay dumiretso na sila mula roon.
“Ano ang maipaglilingkod ko sa inyong dalawa ija at ijo? Ako nga pala si Spo2 Reymundo Binondo.” Pakilala ng lalaking nakaupo mula sa loob na kaagad napatayo matapos nilang makapasok.
“Magandang umaga po sir, ako pala si Klaire Hendoza, narito po kami kasi kailangan nang tulong ng kasama ko,” magalang na sagot ng dalaga.
“Ganoon ba, maupo muna kayo at pag-uusapan natin ang isinadiya niyo.”
Kaagad naman naupo sa bakanteng upuan ang dalawa sa harapan ng lamesa ng pulis. May ginawa muna ito bago sila muling kinapayaman.
“Ano bang maitutulong ko Ms. Hendoza, siya nga pala ano ang pangalan ng lalaking ito. Hindi siya pamilyar sa akin,” tugon ng pulis na binibistan ang kasama ni Klaire nang harapin na sila.
“Pasensiya na po at hindi ko masasagot ang katanungan niyo. Dahil maging ako man ay hindi alam ang tunay na pagkatao nitong kasama ko. Tinatawag ko lamang siyang Thor.” Amin ng dalaga.
“Bakit naman, kung hindi mo siya kilala… bakit kayo magkasama ngayon?” takang tanong nito.
Because of that, Klaire narrated everything, from when her parents disappeared and when she saw the man lying in the forest until she brought him and treated him at their house. She didn’t skip anything because it might help in their investigation.
“… Kaya nakikiusap ho kami na sana ay matulungan niyo po kami,” may pagmamakaawang sambit ni Klaire.
Tinitigan naman siya ng pulis at saka napatango-tango.
“Titignan ko ang aking makakaya ija, mukhang mahihirapan pa tayo lalo at ikaw na rin ang nagsabi na wala ka man lang nakitang identification card mismo sa kaniya,” direktang saad nito.
Bahagiyang nalungkot naman si Klaire. Buhat sa sinabi nito, mukhang napansin naman nito ang pagkalungkot ng pulis sa kaniya.
“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko ang ibang mga mga kasamahan ko sa ibang lugar para makatulong sa inbestigasiyon natin ija. Sa ngayon ay kinakailangan magfill ‘an up mo muna ito para sa ibang impormasyon na kakailanganin natin. Saka ijo, magpunta ka sa kabilang silid sabihin mong magpapakuha ka ng litrato para mailagay dito sa folder na sinusulatan ni Ms. Hendoza.” Bilin ng matandang pulis.
Kaagad naman sumunod ang lalaki na tahimik na lumabas. Nag-umpisa na rin naman sagutan ni Klaire ang papel na na nasa harap niya.
“Ija, concern lang ako sa iyo. Hindi ka ba natatakot sa taong kinakasama mo, lalo at mag-isa ka lang at babae ka pa. Hindi sa nanghihimasok ako pero hindi mo siya lubos na kakilala man lang,” sabi ng pulis sa kaniya.
Klaire was stunned for a moment, she didn’t get to speak immediately right away because even the first day she saw him she didn’t feel any danger, in fact she felt comfortable about Thor.It never crossed his mind that he would hurt him, as the police told him.
Iimik na sana si Klaire nang pumasok na si Thor, itinuon na lang din ni Klaire ang pansin sa papel na nasa harapan.
“Heto na po sir.” Sabay bigay niya sa papel na katatapos lamang niyang sagutan. Inabot naman iyon ng pulis at saglit na pinasadaan ng tingin.
“Ayos na ito ija, babalitaan ko na lang kayo kung mayroon na kaming nakalap na impormasyon. Kapag nagkaroon ng problema ay heto tawagin mo ako sa numerong ito.” Pagkatapos na maibigay ng sarhento ang maliit na papel ay lumabas na rin sila sa tanggapan nito.
“You alright?” tanong sa kaniya ng lalaki habang naglalakad na sila sa papunta nang sakayan ng trycle. Napuna siguro nito ang biglaang pananahimik niya ng mga sandaling nakalipas.
“H-huh? O-oo may iniisip lang,” sabi na lang niya pero ang totoo ay iniisip pa rin niya ang sinabi ng pulis sa kaniya kanina. Alam niya may laman ang pagbibigay ng contact number nito sa kaniya. Sinadiya nitong ibigay sa kaniya ang numero para kapag may masamang ginawa ang lalaki o may malaman siya sa totoong pakatao rito na maaring magpatotoo sa hinila ng pulis ay matawagan niya kaagad ito.
But how can he tell the police that he has a hunch as to who the man with him is..