SO:3

1009 Words
"Geusia my man. Tamang-tama ang dating mo't bagong dating lang din 'tong bunso namin from, Spain," nakangiting sambit ni L. Her sister Leony just stayed silent katabi nito ang asawa nitong si Tommy. Lumingon siya sa binata at mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang taong dahilan ng pag-alis niya limang taon na ang nakararaan. Naglakad ito palapit sa kaniya at nanatiling nakatitig sa kaniya. "Welcome back," cold na sambit nito at umupo sa malaking couch ng bahay. Napalunok ulit ang dalaga at napahawak sa dibdib niya. Pasimpleng ibinaba niya ang kamay niyang nakatuon sa dibdib niya dahil napaka-suspicious ng tingin ng ate niya. He didn't change.. Sambit niya sa isipan. Hindi pa rin ito nagbago ng pakikitungo sa kaniya mula noon. She sighed at nagpaalam muna sa lahat na magpapahinga siya. "Ahm guys? As much as I want to catch things up with you but I really want to sleep. Napagod kasi ako sa biyahe. Enjoy! "nakangiting ani niya. Ngumiti lamamg ang mga kaibigan niya. Gumayak na siya sa taas kasama ang ate niya. "Sissy are you okay now?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. She just nodded at her sister. "Nakita mo na siya. I know matagal na panahon na nang umalis ka dahil sa kaniya," ani nito sa mahinang boses. "Ate, sabi mo nga matagal na panahon na. At broken pride pa ko dahil sa letseng ex- fiancé ko," ani niya sa kapatid. "Tama lang din na hindi kayo ikinasal ni Eze. For once Cassie, naramdaman mo bang si Ezekiel na ang para sa iyo?" She was caught offguard by her sisters question. "Ate, oo naman. Anong klaseng tanong ba 'yan?" sagot niya sa ate niya. Ni hindi niya masagot ito na nakatingin sa mga mata. "I know who's inside on your little organ sissy. You don't have to deny it. Ate mo ako, at sa lahat ng paghihirap na dinanas mo sa tingin mo kumbinsido ako sa pagpapakasal niyo ni, Eze? Cassie, at first against ako sa pagpapakasal mo sa kaniya. I know who's that person you love the most," ambit ng ate Leony niya. Natigilan siya at bumalik na naman lahat ng alaala niya noon. Ang nakaraan na pilit niyang kalimutan. Itinuturing niya iyong isang bangungot na ayaw na niyang matandaan pa. She tried to stop her tears from falling but she failed. "Pagod na pagod na kasi ako, Ate. Gusto ko ng alisin sa buhay ko si, Geusia pero hindi ko magawa. Until we reach that decision. Akala ko...akala ko kaya ko siyang kalimutan. Akala ko mapapalitan ni Eze ang pagmamahal ko para kay, Geusia. But I am wrong. Tama nga lang talaga na umurong siya sa kasal dahil hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal niya para sa akin. I love him as my friend nothing more. Pinilit ko ang sarili ko Ate na mahalin siya. Pero wala akong kwenta. Buti na lang talaga. Santisima!" Natatawang sambit niya sa kapatid. Leony just hugged her and tapped her back. "Ikaw talaga, everything has a reason. Kung ako lang din ang nasa kalagayan mo, I will do the same. For now, rest. Indulge yourself into something that interests you the most," saad ng kapatid niya. Mahinang tumango naman siya sa sinabi nito. " I will," sagot niya rito. "What's your plan?" tanong ulit nito. "Next week, magtatrabaho na ako sa hospital natin, Ate. Ayaw kong maboro rito sa bahay," ani niya na ikinangiti namn ng kapatid. "Really? Mabuti pa nga. Oh siya sige, magpahinga ka na riyan at uuwi na kami sa bahay. Alam mo naman ang pamangkin mong talo ang baboy kung umiyak." Nakangiting sambit ng ate niya. Niyakap naman agad niya ang kapatid. "Take care sis, baka makapunta ako sa bahay niyo bukas. Ikumusta mo na lang ako sa kanilang lahat," habilin niya sa kapatid. "Okay," Leony smiled and went out of her room. Humiga siya sa kama at tiningnan ang kabuoan ng kwarto niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone. Nakita niya sa avatar ang mukha ni Eze. Tumatawag ito sa messenger niya. Mabilis na kinuha ng dalaga ang cellphone niya at inilagay sa ilalim ng unan. Hindi pa niya kayang kausapin ito. Five years din silang nagsama at hindi niya maintindihan kung bakit nagawa siya nitong lokohin. Kaya niyang tanggapin kung may pagkukulang siya bilang isang girlfriend. Pero iyong lokohin siya nang ganoon ay hindi niya kakayanin. Huminga siya nang malalim at napatingin sa pinto. May kumakatok. Yamot na tumayo siya at binuksan ito. Napahakbang siya pabalik nang mapagsino ito. "G-Geusia," mahinang ani niya. Nakatayo lamang ang binata at nakatingin nang deritso sa kaniya. "Won't you let me in?" tanong nito sa kaniya. Napataas naman agad ang kilay niya. "For what reason? Pasok ka," ani ng dalaga. Pumasok ang binata at tiningnan ang kuwarto niya. "Why are you here?" tanong niya rito. "How are you?" tanong ng binata. Natigilan ang dalaga. "Are you here because you want to ask me how am I doing? Isn't it clear to you? I am not okay. I am feeling devastated, betrayed and all the freaking emotions I can't name. I am in hell," frustrated niyang ani. Nakapamulsang tiningnan lamang siya ng binata. "You did that to your self," mahinang saad niya. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata. "Excuse me?" tanong niya rito. "That won't happened if you didn't left five years ago," malamig na ani ng binata. Pakiramdam ng dalaga ay nanghihina siya. "You deserve what you choose. And that asshole don't deserve you either. You reap what you sow, Cassie." Tumayo ito nang maayos at nilapitan siya. "That pain you are enduring now, is not the pain caused by your bullshit fiancé. That was because you saw me," saad ng binata. Napapikit ang dalaga sa mata niya dahil sa frustrasiyong nararamdaman. "Are you insane?" inis niyang tanong dito. "Matagal na," he statedand flashed a cold smile. It brought shivers to her spine. Nakakakilabot ang klase ng ngiti nito. "Get out," mahinang ani niya. Nagkibit-balikat lamang ang binata at tinalikuran na siya. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD