"Hey! Cass bwisit na bwisit sa akin ang punyetang ina ng boypren mo kanina," ani ni Thana na kumakain ng ice candy na nakasupot pa talaga. "Shh, watch your mouth Thans baka marinig ka ng mga bata. Thana, that costs two pesos," saway ng ate Leony ni Cassandra habang kumakain din ng nilagang kamote at pilit pinapabayaran ang ice candy na kinain ni Thana. Maging siya ay nagbabalat din para kainin. May star margarine sa isang platter at pinapahid ang kamote tsaka nila kinakain. "Hindi ka pa talaga tinitigilan ng bruha?" Salubong ang kilay na tanong ni Ezra sa kaniya. Nginitian niya ito tsaka pinapak ang kamote. Hindi naman sila maseselan sa pagkain. Wala din naman silang sinasantong pagkain basta ba hindi nakakalason, dig in agad. "Naku! Kaya nga girls sobrang stress ang psyche niyo kakaisi

