"Happy monthsary love," bati ng binata sa kaniya at hinalikan sa labi at ibinigay ang pulang-pula na rosas. Kasalukuyang silang nasa French Restau at cine-celebrate ang 3rd monthsary nila simula nang magbalikan sila. Ang bilis lumipas ng panahon parang kahapon lang ay pumapalahaw pa siya ng iyak dahil iniwan niya ang binata. Who would have thought na darating sila sa puntong ganito sila ka saya. Matamis na nginitian niya ang binata. Ilang sandali lang ay sinerve na ng waiter ang order ng binata kanina. "May I have the attention of everyone," ani ng lalaking sa tingin niya ay nasa mid 40's ito. Nasa mini stage ng restaurant. Napangiti naman ang dalaga nang pumunta ito sa harap at may dalang gitara habang nakatingin sa gawing kanan nila. Kaya pala... ani ng utak niya habang may babaeng na

