"Love, may napapansin lang ako. Kanina pa sunod ng sunod sa atin ang kotseng 'yun oh," wika ng dalaga sa kasintahan niya. Maging ang binata ay kanina pa iyon napapansin. Agad namang kumunot ang noo nito at itinabi ang kotse sa gilid ng daan. Huminto din ang kotseng sumusunod sa kanila. Lumabas ng drivers seat si Geusia kaya sinundan ito ni Cassandra. "Hey, get out of the car!" inis na sambit ng binata. Gusto man niyang pigilan si Geusia ay hinayaan na lamang niya ito. Gusto rin niyang malaman kung bakit sunod nang sunod ito sa kanila ng kasintahan niya. "You'll regret this. I said get out of that f*****g car!" galit na sinipa ng binata ang sasakyan kaya nayupi ang gilid nito. Natutop niya ang bibig niya kaya aawatin niya na sana ang kasintahan nang biglang bumukas ang drivers seat ng

