Napatingin siya sa gawi ng binata at napatawa siya nang pagak at hindi makapaniwalang tinitigan ang kapatid niya. "Seriously? Alam mo kung gaano ako kaayaw ng taong 'yan, Ate. You know the reason why I choose to leave five years ago," mahinang sambit niya. Nagsimula na naman kasing sumikip ang dibdib niya. Leony sighed heavily and pulled her hair slowly. "Ouch, not my hair, kaka-curl ko lang niyan kanina eh," reklamo niya rito na siyang ikinatawa nito. "Sis who are you?" nakangiting tanong nito sa kaniya. Kaagad na umayos sa pagkakatayo ang dalaga at ngumiti. "Duh! Ate, I am Cassandra Leona Roosevelt. The goddess of beauty who defeated Aphrodite and the long lost twin of Psyche," she stated arrogantly. "That's my sister. Kita mo 'yung mga lalaking 'yun?" Turo ng ate niya sa mga ki

