Chapter 23

637 Words
(A/N: Pasintabi sa mga kumakain may kakarampot na scene na baka sobrang sensitive kayo sa ganong topic so mamaya nyo na ituloy pag tapos na kumain. Oki?) Alexandra’s POV “Dito ka lang ha.” Nag-aalalang sabi nya at tumalikod na sakin. I smiled secretly because I’m glad that she cares for me too. Oo naman andito lang ako hindi naman ako umalis diba? Naghihintay lang ako dito sa ilalim ng puno malapit sa kabayo kung saan nya itinali pero parang may nagmamasid sa paligid kaya agad akong tumingin sa kabuohan ng gubat. Sobrang dilim pero kahit papaano ay may nakikita pa naman ako. Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwa ng bodega at agad akong napatingin don. Wala namang tao baka naman alagang hayop lang. Ipapagsawalang bahala ko na sana pero kahit itong kabayo sa gilid ko ay parang hindi din mapakali. There’s something off with these woods. Nakarinig nanaman ako ng kaluskos and this time ay medyo malayo na pero dahil sa sobrang tahimik ng lugar ay rinig na rinig ito. Lumakad ako ng kaunti at tinitigan ang parteng iyon ng gubat na may kadiliman, may nakita akong ilaw sa di kalayuan, parang dalawang flashlight but I can only see two silhouettes. Lumingon ako sa bodega at don sa direksyon ng flashlight. Paano kung may masama pala silang balak? Paano kung ang target pala nila ay si Clean? Tumingin ulit ako sa bodega kung nasaan ngayon si Clean then I remember her smile. Kung may masama ng silang balak, dapat ay mapigilan ko sila. Bumuntong hininga ako at tumingin sa pintuan ng bodega. I’m sorry Clean, I’ll be back. Naglakad ako dahan dahan papunta sa direksyon kung nasan yung ilaw. Habang lumalapit ako ay lalo itong lumalayo kaya mas binilisan ko pa at sumunod sa mga ilaw. Lumiko ako at wala na akong ilaw na nakita sa paligid. Did I lose them? Pinakiramdaman ko pa ang paligid at wala na akong narinig na kahit anong kaluskos pa. Umikot na ako at babalik na sana dahil nararamdaman ko na ang pag-ambon pero natigilan ako ng may natapakan akong malagkit. Yumuko ako at tinitigan ng mabuti ang natapakan ko.. hindi tubig, kundi.. Sinundan ko ang pinanggalingan ng dugo na umaagos ngayon sa lupa at sa dulo nito ay isang baka na nakahiga at naliligo sa sarili nyang dugo. Wakwak ang tyan nito at halos matanggal na ang ulo nito mula sa kanyang katawan at nagkataon pang dito sa direksyon ko nakaharap ang ulo. Pinagpawisan agad ako ng malagkit at naramdaman ko na ang panginginig ng buong katawan ko.. Tumingin pa ako sa paligid at may iba pang mga patay na hayop ang nakahiga sa lupa na wala ng buhay at bakas pa ang mga sariwa nilang dugo na ngayon ay umaagos sa lupa. Pare-pareho silang wakwak ang tyan at halos maputol na ang ulo tapos ang iba ay nakahiwalay na sa kanilang katawan ang mga paa at pakalat kalat. Ramdam kong bumibigat na ang paghinga ko kasabay ng sobrang panginginig ko. Umatras ako dahan dahan at kasabay ng malakas na kulog at malakas ng pagbuhos ng ulan ay ang pagkakatisod ko sa isang bato causing me to fall down. No… no… I already overcome this right? Tapos na tayo dito Alexandra diba? Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan at sa lamig nito ay ramdam ko pa din ang init ng likido na umaagos na ngayon mula sa aking mga mata. Ayoko! Ayoko ng maalala! Umupo ako dahan dahan at napako na lang ang tingin ko sa baka na nakaharap ngayon sakin. Hindi! Please ayoko ng maalala! Tama na! Kahit anong sigaw ko sa ulo ko ay wala itong nagawa dahil sunod sunod na nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari nine years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD