Chapter 11

1188 Words
Kakatapos ko lang maligo at nagsuot lang ako ng short shorts at maluwag na tshirt pantulog. Nasa ulo ko pa ang towel ko at naupo sa lapag habang inaayos ang mga assignments ko. Oo nga pala di pa ko nakakagawa ng assignments. Kapag gagawa ako ng assignments mas feel ko talaga sa mababa na lamesa at nakaupo dito sa sahig habang nag-aaral tapos naka-earphone. Dito ako banda sa side ng bed ko pumwesto at sa gilid ako ng kama nakasandal. Tinodo ko na din ang aircon para masaya. If you’ll ask me kung anong subject ang favorite ko ay wala akong mabibigay, for me kasi lahat sila ay okay lang. Pero mas nag-eenjoy akong magsagot ng math hohoho. Nasa last assignment at number na ako ng maramdaman kong may nag-alis ng earphone ko. “Bakit?” tanong ko kay Xandra, di sya nagsalita at umupo lang sa tabi ko. Tinignan ko lang sya na nakatingin sa assignment ko, inilagay ko na lang sa tainga nya yung earphone na inalis nya at bumalik na ako sa pagsasagot ng assignment ko. Pagkatapos ay sinara ko na ang notebook at ipinatong sa iba pa, bukas ko  na lang siguro ilalagay sa bag ko. “Bakit di ka pa natutulog?” tanong ko sa kanya, sabay alis na ng earphone at iniligpit na ito. “Hindi ako makatulog.” Sabi nya sabay tingin sakin. “Bakit naman?” tanong ko na ipinagkibit balikat lang nya at lumakad na papunta sa kama. Nagtataka man ay kinuha ko na lang ang bag ko at inayos na lahat atsaka pinatay ang ilaw at tumabi na sa kanya. “Pwede ka bang humarap dito?” nagtataka naman akong humarap sa kanya pero agad ding napaatras ng makita kung gaano sya kalapit. “B-bakit ang lapit mo naman?” gulat na tanong ko sa kanya. “Gusto kitang yakapin.” “Huh?” ano daw? Seryoso ba yan? Nanigas na lang ako sa pwesto ko ng ipulupot nya ang mga braso nya sa bewang ko at sumandal sa chest ko. Ang.. ang bango nya. Mula dito sa pwesto na to ay amoy na amoy ko sya. Yayakap ba ako? “Yakapin mo din ako.” Sabi nya sabay taas ng kumot hanggang leeg nya. Kahit di ko man gustuhin ay katawan ko na mismo ang kumilos at yumakap sa kanya. Pagyakap ko ay mas lalo pa syang yumakap na ikinakaba ko. Gosh! /// As expected ang daming bumabati samin dahil panigurado ay namukhaan nila kami mula sa performance namin kahapon, at dahil good girls kami ay nginingitian naman namin sila kahit papaano. “Oy malapit na ang exam for first quarter.” Sabi ni Stella habang tinutupi ang panyo nya. Kasalukuyan kaming andito sa room at hinihintay ang second subject namin. “Oo nga pala. Pano ba yan? Dating gawi?” tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman sya. “Malamang.” Sagot nya sakin at pareho kaming napabuntong hininga. What I mean sa dating gawi is kanya kanya kaming review, alam nyo guys we really tried na magsama sama na magreview kaso nauuwi sa kalokohan at kulitan kapag sama sama kami kaya ang ending ay wala din kaming narereview so, we decide na kapag magrereview ay hiwa-hiwalay na. Understood naman yun kapag di ka nakasama tapos malapit na exam ay matic na yun. “Sabay tayong maglunch?” tanong ko sa kanya. “Nah, may hihiramin ako sa library eh. Ikaw na lang muna.” Tumango tango na lang ako at sakto dating ng teacher namin. Napalingon naman ako sa gawi ni Xandra na kasalukuyang may kausap na mag kaklase namin. She’s famous than ever. Yung kagabi, nakakapagtaka talaga. Bakit gusto nya akong yakapin? Anong mayroon? Di ko talaga sya magets lalo kapag may ginagawa syang di nya usually ginagawa. After an hour ay natapos na din ang klase. Nagpaalam sakin si Stella na agad kong tinanguan. San ako kakain nito? Boring talaga kapag wala yung tatlo kaso kailangan namin magtiis tiis isang linggo lang naman eh. Naglakad lakad lang ako ng makarinig ako ng sunod sunod na hikbi sa isang corner. Ito yung part na hindi masyadong nadadaan kasi papunta na ito ng restricted area pero bakit may tao dito? Lumapit ako sa corner at mula doon ay kitang kita ko ang isang babaeng yakap ang mga tuhod nya habang umiiyak. Mayroon din syang grayish blonde.. wait, sya ba yung babaeng nakabunggo sakin? “Miss? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya, huminto naman agad sya sa pag-iyak at agad na nagpunas ng mukha. “M – iss Clean ikaw po pa – la. May kailangan po ba ka – yo?” tanong nya sabay ngiti pero yung ngiti na napilitan lang. At ngayon ko lang napansin na basa ang lower half nya. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi nya. “Kasi po.. nabitawan ko po yung folder na naglalaman ng final requirement ko po sa last subject ko para mamaya, ang kaso po ay nahulog ko ito sa fountain ng may nakabunggo po sakin na mga estudyante.” After nya mag-explain ay umiyak na sya ng umiyak. “Edi mayroon pang two hours?” sabi ko sa kanya na ikinatigil nya. Tumango tango naman sya. Hinila ko na sya patayo at agad na tumakbo. “San nyo po ako dadalhin?” tanong nya. “Alam mo miss, walang magagawa ang pag-iyak mo. Dapat ginagawan na natin yan ng paraan naiintindihan mo?” with that ay natahimik na sya. Pumasok agad kami sa computer room dito sa loob ng library. “Ituro mo sakin ang gagawin at maghati na tayo para matapos agad.” Utos ko sa kanya. “S-sigurado ka po ba dito Miss Clean?” tanong nya na ikinakunot noo ko. “Mukha ba akong nagbibiro sayo?” masungit na tanong ko sa kanya. “H-hindi po.” “Dali ituro mo na ng matapos na tayo.” Sabi ko sa kanya na pinagmamadali na sya. “O-okay po. Ganito po kasi yon.. “ /// “Oy Clean.” Nilingon ko si Stella with expressionless look. “Ano?” “Ang galing. Malapit na ang exams nagawa mo pa talagang magcutting sa dalawang subject noh?” panenermon nya sakin. Di ko naman sya inimik at tumingin na sa bintana. “Hoy Clean – “ “Miss Allister? May problema ba dyan?” tanong sa kanya ni ma’am. “Wala naman po ma’am.” Sagot nya ng nakayuko. Psh. Since hindi ako nakakain ay ganito ako. Tahimik tapos bored sa lahat then expressionless. Mabuti na lang talaga natapos namin yun five minutes before the last subject starts kundi ipupukpok ko sa kanya lahat ng papel na yun. “Tela.” Tawag ko sa kanya. “Ano?” “Hand me your notes.” Utos ko sabay lahad ng kamay ko. “Gago ka ba?” taas kilay na tanong nya sakin. “Ibibigay mo o ibibigay mo?” “Aish! Eto na eto na!” asar na bulong nya sabay abot sakin ng dalawang notebook. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD