Prologue

861 Words
Alexandra Sison is the campus Ice Princess. Everyone calls her Miss Xandra or Xandra, she’s talented, smart and she has a body that every man wants. Err.. isn’t it too pervy to describe her like that? But it’s the truth. She’s cold and expressionless; no one sees her smile, laugh or grin. She always wear her usual face, also she always stare blankly at everyone. In my three years of being her classmate, ni hindi ko manlang sya nakausap or what basta ganon lang, classmate lang. “Oy Clean! Tulala ka nanaman! Lunch na.” sabay tapik sakin ng best friend kong si Stella. My name is Cleandrea Logan, but I prefer to be called Clean, ang corny naman kasi ng pangalan ko eh ewan ko ba sa parents ko. “Eto na eto na sabay na ako sayo sa cafeteria!” sabay sunod ko kay Stella. “Xandra, ayaw mo ba talagang tumakbo as Student Council President?” tanong ng isang classmate namin kay Xandra, “I don’t want to busy myself.” Casual na sagot nya dito. Nakikipag-usap naman sya kahit papano pero kalmado lang at walang expression. Lumabas na ako at dali daling humabol kay Stella. Every year ay tinatanong talaga sya or kinukulit para tumakbo para maging Student Council President pero lagi nya namang nirerefuse. May talent sya sa lahat tapos sobrang talino nya pa, magaling din sya maglead at isa pa sya din ang President ng Journalist Club. Inakbayan ko si Stella ng makahabol ako sa kanya. “Andon na ba yung iba?” “Hmm, sila Janina at Kyla? Yup nauna na, wala daw kasi silang prof eh.” Tumango tango naman ako. “Magrerecruit na ba tayo mamaya?” pahabol pa nyang tanong sakin. Right, member din kami ng Dance Club ng school, pareho din kaming lead dancer ni Stella. “Um, di ko alam eh. Wala namang chat si pres sa GC.” “Sabagay first day pa lang naman eh.” Sabay nagkatinginan kami sa isa’t isa. First day? Yup! Lumapit ako sa kanya at bumulong, “Anong building ang i-vavandal natin ngayon?” Stella and I are partners in crime, madalas talaga kaming napapatrouble kasi diba, minsan lang ang high school sa buhay tapos pagcollege na focus na kaya itong buong high school hanggang grade 12 ay napagkasunduan naming lagyan ng kulay! “Yung bagong CR sa grade 11?” nakangisi nyang bulong sakin. “Deal after school!” malakas na sagot ko sa kanya kaya lahat ng nasa hallway ay tumingin samin, nginitian ko lang sila. “Janina! Kyla! Namiss ko kayo!” malakas na sigaw ko pagpasok pa lang namin sa cafeteria. Pareho naman nila akong pinanlakihan ng mata ng pinagtinginan kami ng lahat. Kebs lang, naglakad pa din ako confidently papunta sa table nila .”Napakaingay mo talaga.” Masungit na sabi ni Kyla. Si Kyla lang masungit samin alam nyo? Ewan ko ba kung pano sya nasabit samin eh, sya ang nanay namin. “Sorry na nay.” Pagkasabi ko non ay binato nya ako ng tissue sa mukha na hindi ko nailagan. “Ouch! Sungit naman!” Napa-aw ako ng malakas ng hatakin ni Janina ang pisngi ko. “Aruuu!” “Ang OA naman ng ating kaibigan dito! Tissue lang nag-aray pa!” sabi ni Janina sa pinakanaaawa nyang tono. Pilit ko namang inalis ang pisngi ko sa kamay nya. “Bwiset ka alam mo yun? Napakasadista mo.” Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang pisngi ko. Tawa lang ng tawa samin sila Stella at Kyla. “Oy magsikain na nga tayo ginagawa nyo nanaman kaming live show.” Sabay pinagbabato ko sila ng tissue, okay table na namin ang makalat. “Isa dalawa tatlo!” pagkasigaw non ni Stella ay sabay sabay kaming nag jack n’ poy. And ta-dah! Ang natalo ay si Stella! “Malas! Ano po mga order nyo madam?” naiinis na sabi nya na ikinatawa naming tatlo. Kumakain kami habang maingay na nagkekwentuhan, as usual wala kaming pakialam sa mga taong nakapaligid samin. To top of all, puro naman kami babae dito eh. Cherry Blossom All Girls High School is an all girl school, kakasabi ko lang duh. Pag napagkatuwaan namin minsan ay sasayaw kami habang naglalakad sabay kanta ng CBAGHS CBAGSH Oh she moves she moves! Sabay tawanan, di din naman namin alam kung tama yung lyrics namin basta ganon lang yun! “Pano ba yan girls? See ya at the club na lang?” nakangiting sabi ni Stella sa kanila habang naka-akbay sakin. “Yup! Mahuli sa club manlilibre ng meryenda ah!” sigaw pa ni Janina. “All right!” sabay takbo naming apat papuntang room. “Mahuli panget!” sigaw ko sa kanila. “Si Kyla panget!” pambubwiset ni Janine kay Kyla, pano sya ang pinakamakupad. “Mga letse kayo!” sigaw pa ni Kyla. “Hoy! Kayo! Magsitigil kayo! Bawal ang tumakbo sa hallway!” crap! Member ng student council! “Run for your life!” malakas na sigaw ko at sabay sabay kaming tumakbo sa pinakamabilis na paraan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD