Chapter 6

1020 Words
“Ang ganda talaga ni Miss Xandra.” “Matalino at responsible pa.” “Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan na Ice Princess.” Andito kami ngayon nakatambay sa fountain at mula dito ay kitang kita ang gate ng school na bukas na bukas at sa kalagitnaan nito ay ang hinahangaan ng lahat.. Si Alexandra Sison a.k.a Ice Princess. Hmm.. tignan nga natin kung gaano kabagay sa kanya ang pagiging Ice Princess. Mayroon syang mahabang itim na itim na buhok na hanggang sa bewang, bukod sa itim na itim yun ay ang kintab pa. Mayroon din syang perfect shaped na kilay at itim din na pares na mga mata. Matangos ang ilong. Maputi na mukhang maputla ang kutis nya, well, maliban na lang sa lips nya na pinkish. Naglilipstick ba sya? Naibalik ko agad ang tingin ko sa cellphone ni Stella na nasa gitna namin at kasalukuyang pinapanood sa amin ang isang sayaw na nagustuhan nya dahil sa pgsusurf sa youtube. Shit s**t s**t! Nakatingin pa din ba sya sakin? Lumingon ulit ako sa kanya at kitang kita na sakin sya nakatingin. Thank goodness dahil inapproach na sya ng mga babae at nawala ang ang atensyon nya sakin. Phew! Bat ba kasi andito kami nakapwesto? “Di pa ba dadating si Kyla?” tanong ni Stella kay Janina na sinegundahan ko naman. Sorry guys! Nag-isip naman si Janina sabay tingin sa phone nya. “Tinatamad daw pumasok eh. Ang batugan na yon!” inis na sabi ni Janina. “Hayaan nyo at bukas ako naman ang aabsent.” Sabi ko sa kanila ng may malaking ngiti. “Subukan mo!” sabay nilang bulyaw sakin. “Ano ba yan kaharap nyo lang ako oh!” sabi ko sabay himas sa tainga ko. Sabay sabay kaming tumayo ng magring na ang bell. “Bukas ang practice ah. Walang aabsent sa inyong dalawa. Ayokong ratratin ako ni president.” Tango tango lang ang isinagot namin ni Stella sa kanya. “Seryoso ako!” sigaw pa nya pero di na namin pinansin. “Oy anong trip natin sa araw na to? Nakakabagot.” Sabi ko kay Stella sabay patong ng ulo ko sa balikat nya. “Wala akong maisip eh. Nagawa na ata natin lahat?” sabi namin sabay sandal sa railings at nag-isip ng matinding kalokohan. “Naipagpalit na natin ang papers ng teachers.” Sabi ko. “Nakapag-vandal na din tayo.” Sabi ni Stella. Sabay kaming napabuntong hininga ng di kami nakapag-isip ng matino. “Tara na nga lang sa room.” Sabi ko sabay akbay sa kanya. Tumango tango naman sya. “Mall tayo mamaya?” tanong pa nya. “Sa madali o mahirap na paraan?” sabi ko ng may ngisi sa mga labi. “Sa mahirap syempre!” sigaw nya pa at sabay kaming nag-yahoo. Nakareceive naman kami ng matinding sshh sa katabing room namin. “Sorry po!” /// “Janina.” Tawag ko sa kanya. “Oh ano nanaman yan linis? Alam ko yang tonong yan.” Mapanuring tanong nya. Tinanguhan ko naman si Stella. “Cutting after nitong lunch, malling tayo.” Bulong nya tapos panay tingin pa sa paligid na akala mo may nakikinig. May saltik to. “Gusto ko yan!” sabi ni Janina kaya sabay sabay kaming napangiti ng malaki kaso bigla syang sumimangot at bumuntong hininga. “Oh? Bakit?” tanong ko sa kanya. “Kaso pass.” “Mas importante pa ba yan samin?!” hysterical na pagkakasabi ni Stella kay napatingin na sa amin ang iba. Nakakahiya! “Gago! Shattap ka nga!” sabi ni Janina, “Ganito kasi yan, quiz mamaya at kapag wala ako don makakagawa yung prof namin ng dahilan para mapagalitan ako.” “So mas importante nga samin yan?” sabi ni Stella na ikinatango naman ni Janina. Kinindatan ko si Stella sabay hawak sa bag ko. “Okay edi sibat na kami.” Sabi ko at sabay kaming tumayo ni Stella bitbit ang mga gamit namin at iniwan syang kumakain don. “Hoy!” “Mga bugok!” “Ang papanget nyo letse!” ilan lang po yan sa matitinding sigaw ni Janina habang lumalayo kami. Para saming apat, food is life that’s why di nya maiwan ang kinakain nya wahahaha! “Ano navideo-han mo?” tanong ko kay Stella sabay tingin sa phone nya. “Oo! Facksheet! Ang epic ng mukha!” Pagsabi nya pa lang non ay agad akong nakinood. Di malaman ni Janina kung uunahin nya ba yung pagkain o kami eh! Tingin samin tapos tingin sa pagkain. Laugh trip! At least nalaman naming importante din pala kami sa kanya. Tawa kami ng tawa at kebs lang sa lahat ng nakakasalubong namin na kung makatingin ay para kaming takas sa mental. Cant help it! “Send mo sa GC! Baka sipagin pumasok si Kyla.” Sabi ko sa kanya at agad naman nyang ginawa. Nahinto ako sa pagtawa ng makaramdam ako na parang may nakatitig sakin. Sakto pag lingon ko sa kaliwa ay andon si Xandra na palabas na sa hallway at sa tingin ko ay magkakasalubong kami kaya.. Inakbayan ko si Stella at lumiko sa kanan. “Oy! Long cut dito eh!” reklamo nya pero pinitik ko lang ang tainga nya. “Sumunod ka na lang!” Nakarating kami ng mapayapa dito sa likod ng school ng hindi nasusundan ng kahit na sino. Why? Dahil restricted po ang area na ito dahil dito ang pinakamababang pader ng school. Kumbaga, kung gusto mo magcutting, this the perfect place to do that brilliant plan! Lumingon kami sa paligid at andito pa din yung dalawang punong ginagamit namin para makapunta sa kabila. “Marunong ka pa din ba umakyat ng puno?” tanong sakin ni Stella. “Oo naman! Don’t tell me? Weak ka na?” “Asa!” at dahil competitive sya ay nag-unahan na kami pa-akyat. Tumalon na agad ako ng masukat ko na ang height at sinalo ang bag ni Stella. “Oh ano? Mall na?” tanong ko sa kanya. “Naman! Tara!” Papunta na kami sa mall yahoo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD