Naglalakad na si Van Grego malayo sa pamilihan. Nang makita niyang walang tao o umaaligid sa paligid ay agad niyang binuksan ang mapa. Nakita niyang may tatlong malalaking linya ang nakaguhit sa buong mapa ng East wing ngunit blangko ang isang mapa ng lugar ng Human Teritory. HUMAN TERRITORY HYBRID TERRITORY MARTIAL BEAST CULTIVATORS TERRITORY Ito ang nakasulat sa loob ng tatlong bahagi ng bawat malalaking linya. Nagulat naman si Van Grego dahil sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalain na ang tatlong linya ay nagsisilbing borders o boundaries ng tatlong magkakaibang nilalang. Ang Hybrid teritory ang nasa gitnang parte at sa kaliwa naman ang Human Teritory at nasa kanang bahagi naman ang teritoryo ng Martial Beast Cultivators. "Hindi ko aakalaing nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi ang t

