Makikita pang nagkaroon ng malaking nagkalat na Black Cats sa kinaroroonang lugar kanina ng mga Black Cats dulot na rin ng mapaminsang cutting style. Hindi lamang kasi panghiwa ang gamit ng cutting style ng mga Martial Chef dahil maging sila ay maituturingna hunters. Hindi nila maaaring iasa na lamang kahit kanino ang kanilang mga lulutuin lalo na sa uri ng Karneng lulutuin nila o mga sangkap na ihahalo mismo sa lulutuin nila dahil maaaring makaramdam sila ng disappointment dahil sila mismo ang luluto nito at kapag hindi nila nagustuhan ang mga sangkap ay useless lamang ito. Sa huli ay sila pa rin ang mamomroblema. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Van Grego at mabilis na nilagpasan ang teritoryo ng mga teritoryo ng Black Cats at tinahak ang matarik na daan pupunta sa mataas

