Agad na nagmaterialize sa kamay ng binatang si Van Grego ang isang malaking nag-aapoy na espada. Isa ito sa napakalakas na armas gamit ang kaniyang natutunang konsepto. Tiwala siyang mapapaslang ang halimaw na ito. Agad na tumalon paitaas si Van Grego papunta sa halimaw na Black Bladed Maggot. Nakakadiri at nakakatakot ang itsura nito. Kung hindi siya nagkakamali ay malakas ang depensa nito. Yun ang pinakapinoproblema niya. "Hindi ako naniniwalang wala kang kahinaan halimaw, Hyaahhhhh!!!!" sigaw ng binatang si Van Grego habang nakahanda na ang espada nito at iwinasiwas sa ere papunta sa halimaw. CLANGGGGG!!!!!!! Isang malakas na tunog ng animo'y nagbabanggang bagay sa lokasyon mismo ng binatang si Van Grego at ng halimaw na Black Bladed Maggot. Mistulang nagulat ang binatang si Van G

