Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Van Grego ang huling destinasyon niya at yun ay ang lugar na kinaroroonan ng Mutated Giant Black Bear. Mabilis niya itong pinuntahan at nakita na lamang niya ito sa isang sulok habang hinang-hina. Ngunit nagulat siya ng naglaho ito at mabilis itong nakarating sa pwesto niya. Whooossshhhh!!!! Isang pamatay na atake ang biglang ipinalasap jito kay Van Grego. Nanlaki ang mata ni Van Grego ngunit napangisi pa siya sa inasta ng mabangis na halimaw na ito. BOGSSHHH! Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa kinaroroonan ni Van Grego habang makikita ang malaking hukay na nagsisilbing resulta ng atake ng halimaw. "Hahaha... Hindi ko aakalaing isa kang mapanlinlang halimaw. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon ka ng kamalayan hahaha... Ano ang gina

