Agad na pumunta si Orville sa teritoryo na kinaroroonan ng kaniyang dating Master na isa sa 12 Supreme Lords na si Lord Leland. Hindi kasi maipagkakailang isa siya sa masuwerteng nilalang na naturuan ng isang magiting na Supreme Lord sa kasaysayan. Noon ay pangarap niya lamang maging disipulo nito ngunit natupad iyon sa kaniyang pagsusumikap. Hindi niya aakalaing darating ang araw na hihingi siya rito ng tulong. Nakatira siya sa isang napakagandang lugar ng Alliance kung saan ay isang napakalawak na teritoryong kasing lawak ng iyong maabot ng iyong mata. Gamit ang kaniyang Flying Sword ay mabilis siyang pumunta sa mismong teritoryong kinaroroonan ng kaniyang Master. Limang minuto din siyang lumipad papunta sa bahay nitong napakaluma ngunit napakatibay ang estraktura nito kung saan ay ma

