"Ano ang ibig mong sabihin Ginoong Triper?! Ang isang tagalabas ang nagsimula ng pag-aalsa sa inyo?! Pero napakaimposible naman iyon dahil wala naman siyang kakilala dito hindi ba?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang labis pa rin na nagtataka. Hindi maaaring maging ganon lamang kasimpleng kaso ito. Nakakapagtakang ang isang tagalabas ay magdadala pala ng ibayong panganib lalo na sa dalawang pambihirang Martial Beast Cultivators na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya. "Hindi mo kasi alam binata na ang nilalang na iyon ay hindi lamang isang ordinaryong martial artist kundi isa rin itong napakatalentadong nilalang. Nagawa niyang pag-isahin ang napakaraming tribo sa loob ng Tombstone Battlefield na ito. Kung hindi dahil sa amin ay malamang sa malamang

