Hindi maaaring maging pabaya lamang siya sa kasalukuyan isa pa ay isa rin siyang magaling na Màrtial Chef at marami siyang napreserbang pagkain sa loob ng isa sa kaniyang Interstellar Dimension na punong-puno ng mga pagkain as in literal na puno yung tipong nag-uumapaw ang laman niyon na para lamang sa mga masaaarap na mga pagkain. Hindi namamalayan ng binatang si Van Grego na lumipas na ang dalawang buwan. Maging ang kaniyang kaarawan ay nalimutan niya na dulot ng masigasig niyang training isa pa ay nakaligtaan niya na ang oras at panahon kaya natural lamang ang kaniyang pag-uugaling ito. Para sa martial artists o Cultivators ay hindi mahalaga ang mga kaarawan o espesyal na okasyon sapagkat isa silang mga tao o nilalang na naghahanap at nangangarap na lakaran ang larangan ng imortalidad

