Chapter 34

2123 Words

Nang makarating sila sa pampang ay naunang lumabas ang sampong kawal habang bitbit nila ang nakangising si Jinron na may Nullifying Tie ang pares ng kamay nito. Wala namang pasa na makikita sa balat nito o bakas ng panghihina. Sinigurado ni Kai na maayos ang lagay nito upang hindi naman mapasama ang kanilang naging trabaho. Agad namang makikita ang tuwa at saya sa mga mata ni Lorenzo Fivel habang nakikita ang anak nitong papunta mismo sa kanila pababa sa kanilang gawi. Animo'y natutuwa itong pumunta sa kaniyang at napayakap ito ng mahigpit. "Anak ko! Bakit ka naman ha?! Pinag-alala mo ako sa iyong paglalayas. Mabuti na lamang at ika'y natagpuan nila." Malumanay na sambit ni Lorenzo Fivel habang makikita ang kaniyang nawawalang anak dahil naglayas ito. Makikitang tumulo pa ang luha nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD