Lumipas ang tatlong araw at naging matiwasay ang takbo ng buhay ni Van Grego. Ginugol niya ang tatlong araw na ito sa pagcucultivate at i-adjust ang kaniyang sarili sa panibagong kapaligaran na kaniyang kinaroroonan sa ngayon. Tunay ngang ang buhay natin ay hindi natin alam kung saan tayo dadalhin nito o ang daang tatahakin natin. Noong nakaraang araw ay inaasahan niyang makakapunta agad siya sa Sentrong pamilihan ng Martial Beast Cultivators Territory ngunit heto siya ngayon sa lugar na tinatawag na Tombstone Battlefield, nag-iisa at hindi alam ang gagawin upang makalabas sa lugar na ito. Marami rin siyang natutunan at natuklasan sa lugar na kaniyang kinaroroonan ngayon. Tunay na napakadelikado ng lugar na ito. Anumang oras ay baka magulat na lamang siya na inaatake na siya ng mga mabab

