Mayroong namumuong itim na enerhiya sa itaas mismo ng kalangitan sa lokasyon mismo ng pinagtataguan ng binatang si Van Grego lalo na sa kinaroroonan ng sampong Level 1 Eye of God Pill. "Hmmm... Masama ito sapagkat hindi lamang Heaven and Earth Qi ang naaattract nito kundi ang galit ng kalangitan sa mga bagay na nakamit ang Perpection Stage o ang pagiging perpekto na isang taboo at i***********l ng kalangitan. Sa oras na maramdaman ng kalangitan ang unusual events na may kinalaman sa perpeksyon ay ini-execute mismo ito sapagkat nakikitang banta nito ang mga nakakamit ng 95%-100% Succession Rate." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Ito ang pinaka-unfair sa lahat. Walang pwedeng maging perpekto sa kalupaan. Tanging sa kalangitan lamang nararapat ang perfection. Ang sinumang perpekto ay

