Kahit napakatalentado pa ng binatang si Van Grego ay kapag napatay nila ito ay isang karangalan na makapaslang sila ng Martial Ancestor Realm Expert. Base na rin sa kanilang aksyon ay hindi lamang si Van Grego ang kauna-unahang Martial Ancestor Realm Expert na pumunta rito. Kagaya rin niya ay malamang ay bilib rin sa sarili ang isang Martial Ancestor Realm Expert na iyon upang paslangin ang mga bandido kaya nasapit nito ang kanilang malagim at kalunos-lunos na kamatayan. Kung paano maliitin ng ilan ang Martial Ancestor Realm Expert na katulad niya na mag-isang pumunta rito ay talagang naniniwala silang mapapaslang siya ng mga ito at ginawang parang isang malaking tipak ng kayamanan si Van Grego na siyang nakakainis at nakakainsulto para sa binata. Ikaw ba naman ang ikumpara sa materyal na

