Kahit nakahanda ang binatang si Van Grego sa mabilisan at hindi inaasahang pangyayari kung saan tumama ang pangalawang dambuhalang boltahe ng kidlat na iyon ay masasabing nagkaroon ito ng malakas na impact sa binata. Dumaloy pa rin sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryenteng naglalaman ng Violent energy mula sa natural na hagupit ng kalangitan. "Arrcckkkkkkk!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na nanginig ang kalamnan nito saka napasukang muli ng sariwang dugo. Kahit magkanon man ay hindi pa rin ibinababa ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling kamay upang ayusin ang pinsalang natamo ng Ancient Thunder Absorbing Shield. Likas na nakapangingilabot man ang atakeng iyon ay hindi pa rin maiwan-iwan sa isip ni Van Grego na kailangan niyang maging matatag at saluhin ang maaarin

