Nang araw na ring iyon ay nagsimula ng magcultivate ang binatang si Van Grego habang makikita ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Hindi niya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kaniya ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python habang naririto siya at hindi pa siya nakakapagbreakthrough sa susunod na boundary ng kaniyang Cultivation na walang iba kundi ang Martial Sacred Realm. ... Ang Martial Sacred Realm ay isang boundary kung saan ang iyong depensa at opensa (attack power) ay magcocondense at gagawing balanse ang iyong enerhiya lalo na kung isang kang defense and offensive Martial Artists ay magiging benepisyal ang Cultivation Level na ito para sa mga ito pero makakatulong rin ito ng malaki sa purong opensa kagaya ng mga Assassins, Samurai Expert at iba pang may propesy

