"Amber..." mariin nitong sambit. Lalong namula ang mga mata nito habang nakatitig sa nahihirapan niyang mukha. Unti-unting namuo ang mga luha nito at bago pa man iyon bumagsak sa harapan niya ay binitiwan na siya nito sabay pakawala ng malakas na mura. Napaupo siya sa sahig, nanghihina habang hawak ang sariling leeg. Panay ang singhap niya ng hangin, hinahabol ang sariling hininga, hindi dahil sa pagkakasakal nito dahil hindi naman ganoon kahigpit, kundi dahil iyon sa sobrang kaba. Nagpa-palpitate na siya. Lalong bumilis ang pintig ng kaniyang puso dahil sa nerbyos. Mula sa pinto na naroon sa likod ng altar ay biglang pumasok ang dalawa pang matatangkad na lalaki. Ang isang nauna ay sa kaniya agad natuon ang chinitong mga mata nito. Ngumisi ito sabay iling. "Tsk. Kaya pala nabaliw ka,

