"Let's go, Amber." Hinila siya ni Tope paliko sa isang shelf. Gusto nitong umiwas ngunit huli na para roon dahil nakita na sila ni Athena. "Christof!" "f**k!" mura nito sabay hinto. Nagkatinginan silang dalawa. Bakas sa mga mata nito ang pagkakabalisa. Siguro ay ayaw nitong makausap ang kapatid, o baka ayaw lang nitong makalapit sa kaniya si Hunter. He was territorial, and Amber knew that Hunter's presence would make Tope furious. Nangunot ang kaniyang noo habang tinututukan kung paano hawakan sa kamay ang kaniyang asawa at basta nalang hinila ni Athena na para bang pag-aari na nito ang lalaki. Ramdam niya ang biglang pagtaas ng kaniyang temperatura, ang paghigpit ng t***k ng kaniyang pulso at ang pagpintig ng kaniyang sentido. Nagpa-palpitate siya, naiirita sa pagmumukha ng babae!

