"Robby?"
Ikinapa ko ang aking kamay sa kama trying to look for that familiar smooth skin. Kapa ako nang kapa, even letting my hand roam over the empty bed.
"Robby." Napakuyom ako ng kamay when it finally dawned on me na kahit anong kapa ang gawin ko, wala akong mahahawakan kundi ang malamig na kama.
Agad kong pinunasan ang luhang bumasa sa magkabilang pisngi ko. Muli kong ihiniga ang aking katawan sa kama. I opened my eyes at the darkness that I've been with for the past months.
Unti-unting nagkahugis sa harapan ko ang taong hinahanap ko kanina lang. Napakagwapo nya kahit nakabusangot sya. Mapupungay na mga mata na binagayan ng matangos na ilong at nanghahalinang mga labi.
I raised my hand, trying to reach out for his figure. I wanna touch him, hold him. Gusto kong haplusin ang maalon nyang buhok, haplusin ang makinis nyang mga pisngi. Gusto ko syang yakapin, halikan. Gusto kong madama ang kanyang katawan na nagbibigay init at ginhawa sa kadiliman at lamig na dulot ng gabi. Ngunit wala na pala sya. Iniwan nya na ako.
He left me broken and blind.
It hurt so f*****g much na yung taong pinakainaasahan kong makakasama ko sa kadiliman ng aking mundo ay basta na lang akong tinalikuran. Kinalimutan.
Kung alam lang nya...
Araw-araw akong naghintay sa kanya noon. No. Hindi lang araw-araw kundi minu-minuto. Sa kabila ng sakit na idinulot nya sa akin, umasa akong babalik sya. Umasa ako na makokonsensya sya at babalikan nya ako't aalagaan. Umasa lang pala ako sa wala. Pinaasa ko lang ng paulit-ulit ang sarili ko sa taong tinalikuran ako, ibinasura, at kailanman ay hindi ako minahal.
Ang nakakainis lang, kahit na dumating na ako sa puntong galit na galit na ako sa kanya, gusto ko pa ring umasa. Gusto ko pa ring balikan nya ako. Gusto ko pa rin na mahalin nya ako.
I'm so pathetic.
Galit ako pero gusto ko pa rin sya.
Galit ako pero gusto ko pa ring bumalik sya.
Galit ako pero gusto ko pa ring mahalin nya ako dahil mahal na mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal ko pa rin sya at miss na miss ko na sya.
Nakakagago lang di ba? Nakakagalit ang ginawa nya pero mahal na mahal ko pa rin sya.
Nagpapasalamat ako sa pamilya ko lalo na sa mga kapatid ko na nagawa akong pagtiisang alagaan kahit na daig ko pa ang bata sa mga tantrums ko. Napagtiisan nila kahit na halos pisikal ko na silang nasasaktan, kahit na halos murahin ko na sila. May panahon pa nga nuon na halos wasakin ko ang buong silid ko dahil hindi nila maibigay ang gusto ko. Actually, lahat ng bagay o pagkain na gustuhin ko ay ibinibigay nila agad sa abot ng kanilang makakaya. Iisa lang naman ang hindi nila naibigay. Si Robby.
Ilang beses nilang sinabi sa akin na kalimutan ko na sya at tanggapin ko na lang na ayaw nya na talaga sa akin. Imbes daw na umasa ako at maghintay sa wala, magpagaling na lang daw ako at ihanda ang sarili ko para sa operasyon ko.
We have the money at tuldok lang sa pera namin ang magagastos para sa eye transplant na gagawin nila sa akin. Sadly, tuluyan nang nasira ang mga mata ko at ang tanging paraan na lang para maibalik ang paningin ko ay transplant.
Ngunit hindi iyon basta-basta. My family and I have to patiently wait for it. At dahil sa paghihintay, lalo akong nastress at naging desperado. Lalo akong nagalit. I suffered and regrettably, I've let my family suffer with me. Saksi ang mga kapatid ko sa hirap na dinanas ko to adjust my self in my being blind. Saksi sila kung paano ako magwala out of desperation. They were there tuwing binabangungot ako sa nangyaring aksidente sa akin pati na rin ang paulit-ulit na pagbabalik sa alaala ko ng ginawang pangrireject sa akin ni Robby. Ang pagtanggi nya sa proposal ko. Ang saya nya nang sabihin nya sa aking hindi nya ako mahal. Ang awa sa mukha ng mga kaibigan ko. Ang pagkadismaya at sakit sa mukha ng mga magulang ko nang makita nila ang bigong itsura ko. Ang lahat ng iyon ang mga huling nakita ko sa mukha ng mga taong mahalaga sa akin. Ang mga iyon ang paulit-ulit kong nakikita sa madilim na mundong pinagkulungan ng aking pagiging bulag. Sino ang hindi magiging desperado sa sitwasyong iyon?
Sa bawat araw na hinintay ko ang pagbabalik nya, napakarami kong naging katanungan: Wasn't I good enough for him? Masyado ba akong naging marahas? Masyado ko ba syang hinigpitan? Masyado ko ba syang minahal dahilan para makalimutan ko na ang tama at mali? Nasakal ba sya ng sobrang pagmamahal ko sa kanya?
At habang unti-unti kong nahahanapan ng kasagutan ang mga tanong ko, narealize ko na maaari nga na may mga mali ako. Pero hindi naman sapat na dahilan ang mga iyon sa ginawa nyang pang-iiwan sa akin. Wala ba talaga syang nadama ni munting awa man lang sa nangyari sa akin? Sana man lang, isinaalang-alang nya ang sitwasyon ko noon. Sana inisip nya na sya ang kailangan ko noon. Sana naisip nya kung paano ko sya inalagaan at minahal. Sana... napakaraming sana. Hanggang sa dumating ako sa punto na nagsawa na akong maghintay at natabunan na iyon ng galit at pagdaramdam.
Sa pagdaan ng panahon, natutunan ko na ring tanggapin ang lahat. Natuto rin ako ng isang munting kakayahan. Dahil sa pagiging bulag, mas naging sensitibo ako sa mga bagay at pangyayari sa buhay ko at maging sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko. I learned what patience really is. I learned to control my anger. I learned to control my self. I learned to deal with my situation. The only thing that I didn't learn is to forget Robby and forget the feelings I have for him. In order for me to learn how to survive, I have to learn how to push on to the hurt and hatred I am feeling for what he has done to me. And I want him to regret it. I want him to regret rejecting me and leaving me. And yet, sa kabila ng lahat ng galit at sakit, hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na nabubuhay ako na nasa puso ko pa sya. Dahil mahal ko pa rin sya.
But now, I had enough. Oo at hindi pa rin ako pinatatahimik ng puso ko at ng mga alaala nya pero ngayon, nakokontrol ko na ang damdamin ko. Hindi kagaya ng dati na halos manlupasay ako sa sahig sa ginagawa kong pag-iyak at halos mawalan ako ng boses sa katatawag sa pangalan nya.
It has been a year. And finally, I have accepted that he's not coming back. I have also accepted that I need to move on. Kailangan ko nang isipin ang sarili ko. I've made one of the biggest decisions in my life and I don't regret it.
Muli kong pinunasan ang mga pisngi ko. Tiniyak ko na walang bakas ng luha sa mga iyon bago ako tuluyang bumangon. At sa kadiliman ng paligid ko, tinunton ko ang pintuan ng aking silid. At kahit siguro nakapikit ako, mararating ko ang gusto kong puntahan gamit ang maingat at dahan-dahan na paghakbang. At dahil useless din namang buksan pa ang ilaw dahil kabisado ko na ang bawat sulok ng suite kahit wala akong nakikita, hindi ko na pinagod ang sarili ko. Kumuha ako ng alak, ice cubes at shot glass. Nag-inom akong mag-isa.
Malapit na akong mangalahati sa bote ng alak nang makarinig ako ng mga hakbang papunta sa kinauupuan ko sa bar ng suite. Binaha rin ng liwanag na binuksan nito ang buong bahay. Gayunpaman, hindi ko na kailangan pang alamin kung sino iyon dahil ultimo paghinga nya ay kabisado ko na. Perks of being blind.
"Kuya, Jayson called. Nasa Russia daw ngayon si Robby." Nakikiramdam na pagbabalita ni Miggy sa akin. Natigilan ako sa akmang pag-inom ng alak. Ano ang ginagawa ni Robby doon?
Hindi ko man ginusto ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Damn heart. Talagang nananabik ito kay Robby.
"And...?" Tanong ko kay Miggy. Hindi ko ipinahalata na excited ako na marinig ang iba pang ibabalita nya.
"He's coming here to see you." Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi ng kapatid ko.
"What for? Nakokonsensya na ba sya?" I bitterly asked.
"Maybe." I tsked when I heard my brother's answer.
"Anong plano mo, kuya?" Matagal kong pinag-isipan ang isasagot ko sa kapatid ko.
"Ano ang alam nya tungkol sa aking kalagayan ngayon?" I asked without looking at him.
"That you're still blind and desperate." Napatawa ang kapatid ko sa huling sinabi nya.
"Then so be it." I said. Nawala ang tawa ni Miggy.
"Kuya, are you planning something?" Seryoso na nyang tanong.
"Plans? Oh, I have a lot of plans for Robby." I devilishly smirked.
"Kuya..."
"It's payback time, Miguel. He has broken my heart once. It's time for me to break his."
Napatingin sya sa akin at ako sa kanya. Matagal kaming nagtitigan. Alam kong nababasa nya sa mga mata ko ang kaseryosohan ko. Yes. Nakakakita na ako. At hindi alam ni Robby yun. Ito ang gagamitin ko para makaganti sa kanya at para malaman ang lahat ng gusto kong malaman. Napangisi ako nang naunang nag-iwas ng tingin si Miguel. Napailing na lang ang kapatid ko nang makitang determinado akong gawin ang sinabi ko.