"NOOO! ZION! ZION! ANAK KO! ZION!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang nakakapangilabot na mga sigaw ni Robby. Sumasakit man ang ulo dala ng biglaang paggising ay kaagad akong humarap kung nasaan sya. Binalot ako ng mas matinding sakit ng loob at sobrang awa nang makita ko ang itsura nya. Tigmak ng luha ang kanyang mukha habang sabunot nya ang kanyang sarili. "Robby," tawag ko sa kanya habang lumalapit ako sa kanya. Akmang yayakapin ko siya ngunit tinabig lang niya ang mga kamay ko. "Kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat, Ivory! Kasalanan ko kung bakit... My God!" Humagulgol siya ng iyak. Naaawa ko siyang niyakap. Awang-awa ako sa kanya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa nangyari sa aming anak na si Zion. "Wala kang kasalanan, Robby. Walang may gus
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


