Ilang sandali pa ang nakalipas,tumayong muli si Senior Travis at muling hinawakan ang mikropono at nagsalita.
"Ngayong gabi pormal kong itininatalaga bilang susunod na mamumuno sa Skylark corporation ang aking panganay na apo na si Dominic."
Muli namang nagbigay ng palakpak ang mga panauhin kabilang na ang kanilang pamilya sa pahayag ni Senior Travis.
Tulad ng inaasahan,matagal na nilang alam ang plano na ito ng matanda. Alam ng karamihan na sa kabila ng katigasan ng ulo at may pagka suwail itong si Dominic,siya pa rin ang pavoritong apo ni Senior Travis.
Madalas itong pinapanigan sa lahat ng oras at laging ipinagtatanggol sa kabila ng mga kamalian nito. Agad namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Dominic at lumapit sa kanyang lolo at taos pusong nagpasalamat,kahit na matagal na niya alam ito,mas mainanam pa rin ang pormal na ipahayag ito ng kanyang lolo sa harap ng nakararami.
"Maraming sa iyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan na mapatakbo ng mahusay ang ating iniingatang kumpanya,sisikapin kong mas lalong mapasaayos,pagtibayin at paunlarin ang minamahal nating Skylark corporation. Na naging pudasyon ng ating buong pamilya,Gayunpaman sa aking nalalapit na pamumuno ng kumpanya nais kong ipabatid sa lahat ng mga naririto,kabilang na aming pamilya na magkakaroon tayo ng ilang pagbabago sa mga susunod na araw.Kabilang na dito ang mangilan ngilang pagpapalit ng mga tauhan o pamamahala sa ilang departamento upang mas lalo ko itong magampanan ng maayos sa tulong na rin ng aking mga bagong itatalaga sa ilang mataas na posisyon."
Mahabang pahayag ni Dominic na ikinagulat ng karamihan.
Hindi nila sukat akalain na may plano pala itong magpalit ng iilang taong namumuno sa ibang departamento.
Bigla namang nakaramdam ng kaba si Jasmine dahil alam niyang hindi niya kasundo ang kanyang pinsan na si Dominic at siya ang namamahala ng Furniture business ng kanilang pamilya.
Simula pa noong mga bata sila sadyang mababa na ang tingin nito sa kanilang pamilya at laging nakakaranas ng panunuya at panghahamak kahit sa kanyang magulang si Dominic pati na ang mga magulang nito na sina Sandra at Roi.
Halos mawala naman siya sa kanyang ulirat ng titigan siya ng may pannghahamak ni Dominic na tila ba sinasabi ng kanyang mga mata na tapos na ang kanyang maliligayang araw at magsisimula na ang kanilang tuluyang pagbagsak.
Hindi na lang nito binigyang pansin ang makahulugang tingin sa kanya ni Dominic,sa halip ibinaling ang kanyang atensiyon sa kanyang mga magulang pati na kay Lester at nagsabing umuwi na sila dahil mayroon pa siyang mahalang pagpupulong kinabukasan ng umaga.
Sinang ayunan naman ito ng lahat at lumapit kay Senior Travis upang magpaalam. Hinayaan naman sila ng matanda at walang pakialam na ikinaway ang kamay na nagsasabing makakaalis na sila. Sa gilid,ngumiti naman si Dominic ng may panunuyang ekspresyon na nakatingin sa kanila at nagwika...
"Ang pamilyang walang pakinabang,dapat lang na umalis na kayo dahil wala naman kayong mga silbi...Tandaan ninyo ito,sa oras ng pagupo ko bilang CEO ikaw Jasmine ang unang mawawalan ng panunungkulan sa kumpanya. Ayaw kong may mga kahiya hiyang tao sa aking pamumuno,mga mababang uri at walang kwenta.Kung ako sa iyo,huwag mo nang antayin ang araw na iyon at kusa na akong magbibitiw sa posisyon upang hindi mo danasin ang mga bagay na kahit sa panaginip ay di mo magugustuhang mangyari sa iyo at sa iyong pamilya."
Sa kabila ng mga panunuya ni Dominic,ang matinding dahilan nito upang laging hamakin si Jasmine ay ang pagiging mahusay nito.
Matalino at masikap,kaya ito ang napiling taga pamahala sa furniture business ng Skylark ni Senior Travis. Ngunit sa takot ni Dominic na baka sa kalaunan ay maging kakumpitensiya niya ito sa kanyang lolo dahil sa husay at talino nito.
Ang tanging laban lang naman niya ay ang pagiging paboritong apo,ngunit sa larangan ng pamamahala alam niya sa kanyang sarili na kahit katiting ay wala siyang maibubuga kay Jasmine.