Cielle
"Nay, bakit naman kayo pa ang naglalaba niyan?" tanong ko nang umagang-umaga ay naririnig ko siyang naglalaba.
Tumingin sa akin si Nanay saka siya nagpunas ng puro sabon na kamay. "Eh, busy ka na, anak saka wala naman akong ginagawa. Halika na at mag-almusal."
I sighed and followed her inside. "Sabi ko naman sa inyo, 'Nay, kaya ko naman kumuha ng katulong para hindi na kayo napapagod sa mga gawain dito sa bahay."
"Ay naku, ikaw talaga, Maricielle. Ginagawa mo namang imbaldo ang Nanay." Inilapag niya ang platong may sinangag sa harap ko. "Ayaw mo na akong pagtrabahuhin. Pagbabawalan mo pa ba akong kumilos dito sa bahay?"
"Iniisip ko lang ho ang high blood ninyo. Baka mamaya maatake kayo."
"Diyos ko, anak. Kulang na nga lang pati ang banyo palagyan mo ng aircon." Ngumisi siya sa akin. "Malakas pa ang nanay. Kalabaw lang ang tumatanda."
I shook my head while smirking, and as I watched my stepmom make us coffee, I couldn't help but smile to myself.
Natatandaan ko pa noong unang beses ko siyang nakilala. Sobrang tamis ng ngiti niya sa akin. Tuwing napapalo ako noon ng Tatay ko, pinapalayas niya si Tatay saka niya ako yayakapin. She would cry while I was sitting on her lap, sobbing in her arms.
Nang maghiwalay sila ni Tatay, takot na takot akong mahiwalay sa kanya, kaya kahit na hindi niya ako tunay na anak, ipinaglaban niya ako huwag lamang makuha ni Tatay.
She worked so hard to provide for my needs, at habang lumalaki ako, malinaw kong nasubaybayan lahat ng paghihirap niya para sa akin kaya nang makuha ko ang trabaho sa Ducani Empire, pinatigil ko na siya sa pagbabanat ng buto. Kaya lang itong nanay ko talaga, parang trumpo na hindi napipirmi sa isang sulok. Katwiran niya ay lalo siyang nagkakasakit kapag walang naaatupag.
"Kumusta naman ang trabaho mo, anak?" tanong niya nang magsimula kaming kumain. "Ginabi ka nang uwi kahapon."
"Oo nga, 'Nay. Medyo marami kasi kaming inaasikaso ngayon. Isa pa, sa susunod na linggo na kasi ang kasal ng kapatid nina Sir Keeno kaya tumutulong din ako sa kanila kahit hindi na parte ng trabaho. Tanaw ng utang na loob man lang ho ba."
Nilagyan niya ako ng extra'ng ulam. "Gano'n ba? Mabuti na lang at hatid-sundo ka rin niyang boss mo, ano? Kursunada ka yata np'n, anak."
Uminit ang aking pisngi. "Si Nanay talaga, malisyoso."
"Ay sinasabi ko lang. Malay mo naman?"
"Sus. Ang gaganda ng mga naging girlfriend no'n, 'Nay. Saka kabilin-bilinan nga no'n, huwag kong hahayaan ang sarili kong magkagusto sa kanya kun'di sisesantihin niya ako."
"Aba, maganda ka rin naman? Noong bata ka nga, palagi akong sinasabihang isali ka sa mga beauty pageant dito sa barangay natin. Stage mother na stage mother mo nga ako?"
I grinned when I remembered us joining pageants when I was in my elementary years. Todo palagi ang cheer sa akin ni Nanay at ng mga kumare niya, at kapag may nagsasabing panget naman ang costume ko, ipagtatanggol niya ako palagi.
"Ay, naku 'Nay huwag na nga nating pag-usapan 'yong boss ko. Ang mahalaga, maganda ho ang trabaho ko." Umayos ako ng upo. "'Nay, malapit ko nang ma-fully paid 'yong lupa sa probinsya. Makakabili na rin tayo ng mga baboy at itik."
"Eh, ano bang plano mo, anak kung makuha na natin 'yon? Mag-re-resign ka na ba?"
"Siguro ho. Gusto ko rin ng buhay sa probinsya, 'Nay."
"Eh, paano ang trabaho mo?"
I felt sad just by thinking that I have to leave my job, but it's always been our dream to buy a property outside the city. Gusto namin ni Nanay na mag-negosyo ng babuyan at itikan. Hindi naman din habambuhay na nasa Ducani Empire si Sir Keeno. Kalaunan ay aalis na rin siya oras na magpakilala si Sir Kon sa publiko. He wouldn't need me anymore.
"Oho. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang uuwi ng probinsya, 'Nay. Isa pa, ang tagal na ho natin 'yang pangarap." Tumingin ako sa orasan. "Anong oras na pala, 'Nay. Baka maipit ako sa traffic."
Binilisan na namin ang pagkain. I took a bath and wore my corporate attire my step-mom ironed for me. Sinamahan din niya ako sa labas para makasakay, at habang naghihintay ng taxi ay muli siyang nagsalita.
"Dumaan nga pala rito kahapon 'yong pinsan mong si Angel. Humihiram na naman ng dalawang libo at umalis yata ulit sa trabaho. Gusto nga raw mag-apply sa inyo. Nakikiusap na ipasok mo."
I sighed. "Nay, 'yong pera kaya kong ipahiram, pero 'yong trabaho, kahit gusto ko, wala kaming hiring ngayon. Alam ninyo naman, masyadong maganda ang sahod sa Ducani Empire kaya hindi basta pinakakawalan ng mga empleyado." Humalik na ako sa pisngi niya nang makapara ako ng taxi. "Una na ako, 'Nay. Ako na ang magti-text kay Angel tungkol sa hinihiram niya."
My stepmom waved at me. Nang umandar ang taxi ay pinasadahan ko ang schedule ni Sir Keeno para sa araw na ito, kaya nang makarating ako ng opisina, halos patapos na akong mag-ayos ng schedule niya.
I went inside his office and made sure everything is perfectly in place. Tinignan ko rin ang oras, at nang masigurong ilang minuto na lang ay naroroon na ang boss ko, ihinanda ko na ang kape niya saka ko inilagay sa kanyang presidential desk.
Just after I was able to put his coffee on the table, the door swung open and my boss of two years walked in. Ngumiti ako sa kanya saka ko dinampot ang ipad ko.
"Good morning, Sir. How's your sleep last night?"
He sighed and removed his coat. "Terrible." Ibinigay niya ang coat niya sa akin saka niya dinampot ang kapeng tinimpla ko para sa kanya. Nang makahigop ay bumuntong hininga siya bago ako pinakatitigan. "I don't know how I will survive the day without your coffee. Thank you, Cielle."
I smiled. Simula nang maging sekretarya niya ako at natikman niya ang kapeng tinitimpla ko, tumigil na siya sa pagbili ng kape sa mga mamahaling coffee shop. Hindi na rin niya gusto ang timpla ng iba, at kapag wala ako para ipagtimpla siya, talagang titiisin niyang hindi makapagkape hanggang sa makabalik ako.
"Nailagay ko na sa opisina ni Sir Kon ang mga dapat niyang pirmahan, Sir."
Tumingin siya sa akin. "You know, we can get him his own secretary para hindi dalawa ang boss mo."
"Okay lang naman, Sir. Hindi naman mabigat ang trabaho ko."
Sir Keeno leaned on his seat, his biceps looked suffocated under his sleeves. Napalunok tuloy ako. Why is this man so gorgeous? Look at those thin, rosy lips, narrow nose and wild pair of obsidian eyes?
I let out a silent sigh. Kaya ang daming admirers nito, eh. Para ba namang lumabas galing ng front page ng isang sikat na magazine.
"Are you sure? My brother's been a constant pain in the ass."
I smirked. "Sayo lang naman, Sir. Sobrang cool ngang kausap ni Sir Kon. Problema lang naman no'n, pang-load niya at tape para sa charger niya."
He groaned. "Can you buy him a new charger, please? Or just get him a smart phone, for pete's sake."
Natawa ako nang mahina. "Naku, Sir. Magugunaw muna yata ang mundo bago palitan ni Sir Kon ng smart phone 'yong 3310 niya. You know he loves the games in his phone."
Napailing siya. "Tatanda ako kaagad dahil sa kapatid kong 'yon. Anyway, come here. I got you something you can wear on Klinn's wedding."
Kumunot ang noo ko habang naglalakad palapit sa desk niya. "Ano 'yon, Sir?"
He pulled his desk's drawer out and took the black square box inside. Ipinatong niya ang kahon sa desk saka binuksan, at nang makita ko kung ano ang laman ay halos umawang ang mga labi ko.
He stood up. "Turn around. Let me put it on you. Medyo mahirap daw 'tong ikabit."
I gulped and nodded my head before I turned around. Dahil may bahagi ng wall na salamin ay kitang-kita ko ang itsura namin habang hinahawi ni Sir Keeno ang nakalugay kong buhok. God, I even forgot to breathe when I felt his fingertips brushing lightly against my nape. Natakot pa akong mapansin niyang tumindig ang balahibo ko dahil sa kanyang haplos.
Sir Keeno carefully put on the diamond necklace on my me, and when he was done putting its lock, he looked at me through our reflection in the mirror before he gave me a small smile.
"Diamond looks good on you, Cielle..." he uttered while keeping his magnetic obsidian eyes on my reflection.
A small smile made its way to my lips as I finally let out my breath. "Thank you, Sir."
If only I could tell him I feel good when I'm standing next to him...