Chapter 2. New bodyguard

1537 Words
Tulad ng inaasahan ko ay katakot-takot na sermon ang natanggap ko mula sa kanilang dalawa. Pero manhid na ako. Ilang beses na bang nangyari 'to? Sadyang matigas talaga ang ulo ko. Mula nag-college ay natuto na akong sumuway sa kanila at gawin ang mga gusto ko kahit alam kong mapapagalitan ako. Kasi sa ganoong paraan ko lang naman nararamdaman ang presensya nila, eh. Kapag nasa kapahamakan ako. "Hindi ka na ba talaga magtitino? Ka-babae mong tao pero palagi kang lasing at hating-gabi kung umuwi. Hindi kita pinalaki para maging pakawalang babae, Isabelle!" Nakayuko lang ako at nakanguso habang nakaupo sa sofa. Narito kami sa living room at nakatayo si Mom and Dad sa harapan ko. Para akong batang paslit kung pagalitan nila samantalang 22 years old na 'ko. Graduate na nga rin ako sa business course na pinakuha nila sa akin. Hindi ba dapat hayaan naman nila ako sa gusto kong gawin? "I'm sorry, Mom, Dad." Iyon na lang ang tanging nasabi ko para matapos na sila. At sa wakas tumayo na ako nang matapos akong masabon. Hindi ko alam kung ilang minuto nilang akong sinermunan. Nakakaantok lang. Nakaramdam naman ako bigla ng awa sa bodyguard ko. Kakapalit pa lang nito sa dati ko ay natanggal agad ito sa trabaho dahil lang sa natakasan ko ito at hindi ako nabantayan nang husto. Sila Daddy na rin ang nakipag-areglo sa naka-motorsiklo at sumagot ng mga pangangailangan nito sa ospital. Umakyat na 'ko sa room ko para maligo. Nagbabad ako ng halos kalahating oras sa bathtub. Nang matapos ay pabagsak akong nadapa sa malambot kong kama. Muli kong naalala si Fred at ang pagtatangka nito so I blocked him sa contact list sa phone ko. "He' such a d**k!" bigkas ko nang nakataas ang isang kilay. Nag-iwan na lang ako ng message kina Aira at Paula para sabihing nasa bahay na ako. Sigurado namang nag-eenjoy pa ang mga iyon ngayon. Wala ba akong makikilalang lalaki na hindi ako mamanyakin? Lahat na lang sila mas gustong makuha ang katawan ko. Tanghali na nang magising ako. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago bumaba sa kusina. Nakakaramdam na ako ng gutom dahil kagabi pa ang huling kain ko. Hindi pa man ako nakakarating ng kusina ay naulinigan ko na ang boses nina Mommy and Dadddy sa living room na tila may kausap. Balak ko sanang lagpasan ang living room dahil mas gusto kong kumain pero mukhang nakita na nila ako. "Isabelle! Come here!" malakas na tawag sa akin ni Dad. Dahan-dahan akong lumingon sa mga ito at nakita ko ang isang lalaking kausapin ng mga ito. Matangkad, moreno, matikas ang pangangatawan at super mega ubod ng guwapo! Bihis na bihis ito at napaka-professional tingnan sa suot na all black tuxedo. May earpiece na suot at seryoso ang mukha. Lumapit ako nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking 'yon. Hmm... who is this hunky? "He is Troy Jan Guerrero. Your new bodyguard," Dad said. Umawang ang labi ko. Oh my gosh. Tama ba ang narinig ko? Bago kong bodyguard? Bakit mukhang greek god? Bahagya nitong tinungo ang ulo bilang pagbati. "Good afternoon, Ma'am." Naghihintay ako na iabot nito ang kamay para makipag-shakehands pero mukhang wala itong balak. Sayang! "Galing siya sa pinagkakatiwalaan kong security agency at isa sa mga pinaka magagaling kaya malaki ang tiwala ko sa kan'ya na mababantayan ka niya nang maigi." Hindi ko alam bakit hindi ko pa rin maalis ang tingin dito. Sa dami ng nakilala at naka-date ko, ngayon lang umatras ang dila ko. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako hindi nakapagsalita sa harap ng isang lalaki! "I'm warning you, Isabelle. Huwag na huwag ka nang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan kung ayaw mong ipadala kita sa malayong probinsya at magtanim doon ng kamote!" maawtoridad na banta ni Dad. Sa wakas ay nabaling ang atensyon ko kay Dad at nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ito. "No way, Dad! You can't do that. Hindi ako nababagay do'n!" reklamo ko rito at bumaling kay Mommy. "Mom, huwag kang papayag." Pero tiningnan lang ako ni Mommy na tila sinasabing wala sa kan'ya ang desisyon. "You know I can do that," madiing sambit ni Dad. Napalunok ako. Mukhang hindi nga ito nagbibiro at kapag may sinabi ito ay talagang ginagawa niya katulad noong ipaputol niya ang lahat ng debit at credit card ko ng isang linggo dahil sa kalokohang nagawa ko noong college. "Please, Belle. Huwag mo nang dagdagan ang mga problema at iniisip namin ng Daddy mo. Masyado na kaming maraming inaasikaso sa negosyo at sa pagiging public servant ng Daddy mo," malumanay na sabi ni Mom. "Your Mom is right. Dalawa lang ang hinihiling namin sa'yo, ang gawin ang trabaho mo sa opisina at ayusin ang buhay mo," dagdag naman ni Daddy. Napanguso ako. Maayos naman ang buhay ko, ah? Sadyang lapitin lang ako ng disgrasya. "Troy, ikaw na ang bahala sa anak ko. Nasabi ko na ang lahat tungkol sa kan'ya at ang mga dapat mong gawin. Huwag mong sayangin ang tiwala ko," sabi ni Dad sa guwapong nilalang ng Diyos sa harapan ko. Nagkamayan sila ni Dad bago nagpaalam sa akin na aalis na sila ni Mommy para pumasok sa opisina. Ano naman kayang mga sinabi ni Daddy tungkol sa akin? Shocks!Baka sira na agad ang image ko hindi pa man kami nagkakasama. Nang maiwan kaming dalawa ay nagsalita ako. "Hi! Troy, right? Ilang taon ka na?" nakangiting tanong ko rito at mas lumapit. Ilang sandali ako nitong tinitigan bago ito sumagot. "27," kaswal nitong sagot habang diretsong nakatayo habang nasa likuran ang mga kamay. "Ang pormal mo naman. By the way, I'm Isabelle Deane Morillo. 22 years old. You can call me Belle," nakangiti ko pa ring sabi at inilahad ko ang kanang kamay ko. Hindi ito agad kumilos. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang kamay ko bago iyon tinanggap. Mukhang napilitan pa yata! Mainit at magaspang ang palad nito. Halatang marami nang pinagdaanan at mahirap ang trabaho. Madalas din sigurong mag-ano katulad ng sinasabi ng iba kapag magaspang daw ang palad ng lalaki. Lihim akong natawa sa naisip. Hindi ko agad binitiwan iyon at marahan kong pinisil ang kamay nitong hawak ko. Madalas gawin sa akin iyon ng mga nakikilala ko pero ngayon, ako ang gumawa niyon sa isang lalaki. Ano nga bang ibig sabihin niyon? Hindi ko alam basta ginawa ko lang. Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple nito na mas nakapagpa-sexy sa looks niya. Lihim akong napangiti. Mukhang magiging exciting ang bawat araw ko kasama siya. Kakaibang pakiramdam ang hatid niya sa 'kin. Nagpaalam ito at tumungo na ako sa kusina mag-isa dahil tumanggi itong kumain. Nang mapadaan ako sa malaking salamin, natigilan ako. Nakita ko ang sarili na nakasuot ng silk nightdress na maikli at bakat ang dalawang cherry on top of my breasts. Gosh, napansin kaya niya? Eh, ano naman ngayon? Bakit bigla kang nagkaroon ng pakialam sa itsura mo? Sanay ka naman nakaganyan lang at puro sexy at daring naman talaga ang laman ng wardrobe mo! sabat ng kabilang panig ng isip ko. Pagtapos kumain naligo at naghanda na ako para sa pagpasok sa opisina. Hindi ko alam pero excited ako dahil sa bagong personal bodyguard ko na magbabantay sa 'kin. Noon inis na inis ako nang bigyan ako nila Daddy ng bodyguard para daw sa kaligtasan ko mula noong pasukin nito ang magulong mundo ng politika dahil pakiramdam ko sagabal lang sila sa mga gagawin at pupuntahan ko. Pero iba ngayon, parang bigla akong natuwa sa bodyguard ko ngayon. As usual, nagsuot ako ng itim na dress na hapit sa katawan at heels. Paglabas ko sa garahe, naroon na ito naghihintay. Infairness, ang lakas talaga ng dating niya. Para siyang bida sa mga action films. Agad ako nitong pinagbuksan ng pinto sa back seat nang makita ako. Nginitian ko ito at nagpasalamat pero wala itong reaksyon. Suplado, huh? Naging busy ako sa pakikipag-chat sa mga kabigan ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa building ng Morillo Foods Company. Pinagbuksan ako nito at nakasunod lang ito sa likod ko. Kaliwa't kanan ang bumabati sa 'kin mula pa lang sa pagpasok namin sa building hanggang makarating sa floor kung nasaan ang opisina ko. Hindi naman nakaligtas sa 'kin ang mga babaeng napapatitig sa bodyguard ko pero 'pag nakita ako ay agad nawawala ang mga ngiti at yumuyuko. "Good afternoon, Ma'am," agad bati sa akin ng secretary ko. "Good afternoon. Melai, pakisunod 'yong schedule ko sa loob," utos ko rito at tinungo na ang pinto ng opisina ko. Nagpaiwan naman ang bodyguard ko sa labas ng pinto para magbantay katulad ng ginagawa ng mga dati kong bodyguard. Maya-maya ay sumunod si Melai sa opisina ko. Nagmamadali itong lumapit na tila excited. "Ma'am, sino 'yon? Bagong bodyguard mo? Ang guwapooo! Makalaglag panty!" nanlalaki ang mga matang saad nito at impit na tumili. "Guwapo 'di ba? Kaya bawal mo siyang kausapin o landiin. Naiintindihan mo?" warning ko rito. Napanguso ito. "Ay, si Ma'am naman. May interes ka rin? Sayang naman!" maktol nito at nagpadyak pa ng isang paa. Gusto ko tuloy pagsisihan na sexy ang kinuha kong secretary. Baka magka-interes pa ang bagong bodyguard ko rito. Magkalapit pa naman ang pwesto nila. "Binabalaan kita, Melai. He's mine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD