"Mang Boy si Cally ah," pakikisuyo ko dito sa may ari ng apartment
Ngayon ang celebration party ni Millie at paalis na ako sa apartment ko
I kissed Cally's head at umalis na doon
Mayroong tunatawag sa cellphone ko, nang tinignan ko ito, si Millie
"Asan na ka na!" mahaba at malakas n'yang sabi
"Eto na papunta na," sabi ko
Pagdating ko doon, medyo marami ng tao ang iba ay kumakain na, may malaking tarpulin sa gate na may nakalagay na "Congratulations!"
Hinanap ko si Millie sa loob nang makasalubong ko ang Daddy n'ya
"Oh Jannah!" tawag nito sa akin
"Hello po..." mahina kong sabi
Medyo malapit din ako sa mga magulang ni Millie dahil ilang taon na rin kaming magkaibigan
"Nasa may pool si Millie" sabi n'ya
Binigyan ko s'ya ng tipid na ngiti at tumungo na sa pool,
Pagdating ko doon may mga nags-swimming na, naka two piece ang mga babae samatalqng ang mga lalaki naman ay walang damit pang itaas
Medyo marami ring tao doon, mostly mga kaedad namin
Nakita ko si Millie na masayang pinapanood ang mga naliligo habang naka upo sa lounger
Nang lumapit ako dito doon ko lang napansin na naka suot ito ng two piece
"Nana!"
Umupo ako sa tabi n'ya
"Kain ka muna doon sa loob,"
hindi ako sumagot bagkus kinuha ko ang inumin n'ya at ininuman ito
"Let's go swimming," sabi n'ya
"Mamaya," tipid kong sagot dito
Habang iginagala ang mata ko, isang grupo ng kalalakihan ang naka agaw ng atensyon ko
Wala silang lahat damit pang itaas, tanging short lang
Binuhat nila ang isang lalaki at itinapon sa tubig, tawang tawang ang mga ito
Kahit na marami sila doon, isa lang ang naka agaw ng pansin ko, mukha s'yang pamilyar
Ang isa sa kanila ay may itim na tinta sa dibdib
Nagrereflect ang sinag ng araw sa mukha at katawan n'ya, hindi katulad ng ibang lalaki doon, wala s'yang abs, pero masasabi kong maganda ang pangangatawan n'ya
Pasimple ko s'yang pinagmamasdan habang umiinom, kumuha ng twalya malapit sa amin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay
"Hoy!" sabi ni Millie sa akin at malakas akong itinulak, muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko
Tinignan ko ito ng masama, "Nakatulala ka dyan" sabi n'ya
"Sino yon?" tanong ko habang nakatanaw sa lalaking dumaan sa gilid ko
Imposibleng hindi mo mapansin ang lalaking iyon, halos lahat yata ng nandito ay kilala n'ya
"Si Riley, pinsan ko,"
Iniisip kong mabuti kung saan ko s'ya nakita,
"Pulis,"
Napatingin ako sa kanya, hindi kaya...
"Wassup guys welcome back to my chanel" at nakarinig ako isang marahan na tawa
Nang lingunin ko ito, its him, hawak ang tripod n'ya, mayroon s'yang kasama na isang lalaki at pareho silamg nakaharap sa cellphone
Tumingin sila sa direksyon ko kaya napaiwas agad ako ng tingin
"Eto, kausapin natin ang dahilan kung bakit may party ngayon" narinig kong sabi n'ya at dahan dahang lumapit sa pwesto namin
"Anong feeling na lawyer ka na?" tanong n'ya kay Millie at itinutok ang camera dito but apparently nakikita ako sa video
Dapat umalis na ako diba? Patayo na sana ako nang biglang magsalita
"Pakilala mo naman 'yang kasama mo," sabi ng kasama n'ya
Napahinto ako, Inakabayan ako ni Millie
"This is my friend, Jannah" sabi n'ya
Tinignan ko s'ya para humingi ng tulong dahil hindi ko alam ang gagawin ko plus the fact na ayoko sa camera
"Ayaw nga pala n'ya sa camera guys" sabi ni Millie at tinakpan ang camera
"Hello Jannah," bati n'ya
Ngayong mas malapit na ito sa akin, mas lalo kong mapagmasdan ang mukha n'ya
Bagsak ang basa nitong buhok, kapansin pansin sa malapitan ang kulay blown nitong mata, and his not so visible tiny mole on the corner of his left eye
Hindi ko ito sinagot at nag iwas nalang ng tingin,
"Sungit" narinig kong bulong nito
I don't need temporary people in my life, satisfied na ako na may atleast isang na kaibigan ako
Lumayo ako ng konti para makapag usap silang tatlo, at masasabi kong sobrang lapit nila sa isa't isa
"Bye," sabi n'ya tsaka kumaway at tumingin sa amin nang matapos
"Jannah," sabi n'ya tsaka tumalikod
Mas lalong nagpakunot ng noo ko,
"Sino 'yon?" bulong ko
"Riley, pinsan ko," nagulat ako nang sumagot si Millie, narinig pala n'ya
"Pulis," napahinto ako sa sinabi n'ya,
Pulis
Kaya pala s'ya pamilyar! Mierda! S'ya ung pulis na dumampot sa at kumausap sa akin sa shop!
Ibang iba ang itsura nito kapag hindi s'ya naka uniporme, aakalain mong isa s'ya sa mga anak ng business man dahil sa mukha at katawan nito at hindi isang pulis
"Alam mo ba, e diba kasi may ex s'ya--" tinakpan ko agad ang bibig n'ya
"Tinanong ko lang kung sino s'ya, hindi ko sinabing i-kwento mo buhay n'ya" sabi ko at binitiwan s'ya
Agad n'yang itinikom ang bibig n'ya,
"Hindi ka maliligo?" tanong ko at tumayo at lumapit sa pool, kaunti na lang ang tao doon
"Malamig," sabi n'ya
"E bakit ka naka two piece?" tanong ko sa kanya
"Picture," sabi n'ya
"Picturan mo ako" sabi n'ya
Madilim na pero nagsisimula pa lang party, mag napakalakas na sounds, may mga nag iinuman, sumasayaw sa gitna, naliligo sa pool
Wala na ang mga matatatandang bisita kanina, puro na kabataan ngayon
Kinuha ko ang dala dalang bote ng waiter kanina at ininom ito, hanggang sa nagring ang cellphone
Kinuha ko ito at dali daling nakipagsiksikan sa maraming tao para makalabas ng bahay
Nang tinignan ko ang caller number lang ang nakalagay, nagulat ako nang biglang tumilapon ang cellphone ko at bumagsak ito sa pool
"Mierda!" sigaw ko at tumakbo papunta doon, medyo nahihilo pa ako, siguro dahil sa nainom ko
Wala akong pakialam kung may matamaan akong tao, ang mahalaga ay maisalba ko ang cellphone
Tumalon ako sa pool para kuhanin ito, sumisid ako sa ilalim kikuhanin ko na sana ito ng bigla akong mauntog sa matigas na bagay
Kaya napaahon ako ng wala sa oras para kumuha ng hangin at lumangoy papunta sa gilid ng pool
Habol ko ang hininga ko ng makaahon, kumapit ako sa gilid ng pool bilang suporta, pumikit ako sandali para mabalik ako sa sarili ko
"Sa'yo 'to?"
Napatingin ako sa tabi ko nang may magsalita
Coincidence or what?
Pinagtitinginan kami ng iilang tao na nandito, naramdaman ko agad ang lamig pagka ahon ko, kinuha ang cellphone sa kamay n'ya, inalog alog ko ito at sinubukang buksan pero ayaw
"Uh, I need help," sabi n'ya
Tinignan ko ito, ngayon ko lang napansin na wala pala itong damit pang itaas, nagdadalwang isip kung tutulungan ba s'ya o hindi but I should help him right, he help me, kahit hindi ko hiningi
Binitawan ko ang cellphone ko and I positioned myself na hihilahin s'ya, nang magtama ang palad namin para akong nakuryente, it's been a while since ung last na humawak sa palad ko
Hinihila ko s'ya nang bigla may tumulak sa likuran ko dahilan para mapasigaw ako at mahulog ulit sa pool
Mierda!
Naramdaman ko na may kamay na humawak sa beywang ko at itinaas ako, umubo ako, naramdaman ko ang tubig na lumabas sa ilong ko
"Okay ka lang?" tanong n'ya
Riley? right?
Sobrang lapit namin sa isa't isa, agad ko s'yang itinulak at lumangoy patungo sa gilid
"Sorry!" tinignan ko si Millie ng masama at ready ng hampasin s'ya nang tumakbo ito papalayo
"Wait lang!" sigaw n'ya sa akin
Hindi ko s'ya pinakinggan at patuloy pa rin sa paglapit sa kanya
"Gagi akala ko ikaw lang mag isa doon," sabi n'ya habang natatawa
Sumuko na rin ako sa kakahabol sa kanya dahil sa sakit ng katawan, masama ata ang bagsak ko kanina, tsaka ang lamig
Binalikan ko ang cellphone ko at umupo nalang malapit sa pool para magpahinga at niyakap ang sarili, masakit ang katawan ko
Sino kaya ung tumawag?
May umupo sa gilid ko pero hindi ko ito nilingon at umusog na lang ng konti
Gusto ko na umuwi, bwisit na Millie, kaso papaano? sasakay ako ng bus ng basa?
He handed me a towel, s'ya nanaman
"Gamitin mo," sabi n'ya,
Humikab ako at tinignan s'ya
"Woah woah," sabi n'ya
"Anong ginagawa mo dito?"
Nagtataka lang ako, marami naman s'yang kaibigan pero bakit nandito s'ya ngayon
"I am just being friendly here,"
"I don't need a another friend, may kaibigan ako si Millie,"
Nagulat s'ya sa sinabi ko pero nakabawi din
" The more friends the merrier" sabi n'ya at ngumiti pa sa akin
"Jannah!" sigaw ng kung sino at tumabi ito sa kabilang gilid ko
"Lapit ka dito," tawag ko kay Millie
Nagdadalawang isip s'ya sa una pero lumapit din s'ya
"Galit ka pa?" tanong n'ya
"Hindi na," totoo iyan, hindi na talaga ko galit, ewan mabilis matunaw ang galit ko
Nang makalapit s'ya, kaagad kong hinila ang buhok n'ya
"Aray!" sabi n'ya at pekeng umiyak, mabuti nalang at celebration mo ngayon