Isang buwan,isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang tagpong iyon.Araw araw parang mumunting piraso at tipak ng yelo iyong bumabalik sa ala ala ko.Kung paano ako pilit na hinihila ni John Greg palayo pero napatda lang ako doon.Tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan si Lucifer. Hanggang sa isang lalaki ang dumating at tuluyang nabalot ng takot ang paligid.Maging si Monasterio nabitawan ako at napaatras.The man is scary.Matangkad siya na naka all black suit at malamig na malamig ang mga mata niya.He has the look that can kill someone any moment. Hindi ako nagpatinag. Hanggang sa huminto siya sa tabi ni Lucifer. Walang nakapagsalita.Narinig ko sa iba na Lawrence pala ang pangalan niya. He is fascinating.Ramdam na ramdam ko yong takot ng mga kasama ko kahit ngayon ko lang si

