Napapasong nag iwas ako ng tingin ng lumipat yong mata niya sa akin. Bigla ay tumahip yong dibdib ko.Alam kong dapat hindi ganito yong pakiramdam ko.Iniisip ko kung ano bang oras matatapos ito dahil gusto ko ng umalis. Hindi ako komportable.Kanina pa nagtitinginan lahat sa akin.Hindi ko alam kung dahil kasama ko si John Greg o dahil sa suot kong kuwintas.Bigla ay tila naging espesyal ako sa paningin nilang lahat. Malamang na iyon din ang naiisip niya.Kaya siya nakatingin sa direksyon ko ay dahil nasa akin na yong kailangan niya.Iaabot ko nalang iyon mamaya sa kanya at aalis na ako bukas.Wala na akong naiintindihan sa nangyayari. Malamang na magagalit sa akin si Monasterio kapag nalaman niyang binigay ko kay Lucifer yong kuwintas,pero bahala na.Ang mahalaga lang ay makaalis ako dito. "

